ni Nitz Miralles - @Bida | June 11, 2022
“Unbothered Queen” na rin ang tawag kay Ai Ai delas Alas ng kanyang mga followers sa Instagram dahil hindi nagpaapekto sa isyu sa kanila ni Darryl Yap kahit ipinadeklarang persona non grata sila ni Quezon City Councilor Ivy Lagman.
Ang lawyer na ni Ai Ai ang sumagot, kaya hindi nagsanga-sanga ang isyu.
Nakatulong din kay Ai Ai na nasa Amerika siya, mahirap siyang ma-interview at sa halip na magpaapekto, nagti-TikTok na lang ito.
May mga comments na nagpapahayag ng suporta kay Ai Ai at nagpapasalamat siya sa kanila.
Hindi rin apektado ang rating ng Afternoon Prime series na Raising Mamay dahil mataas pa rin ito at marami pa ring naloloko. May mga umaway man kay Ai Ai, mas marami pa rin ang sumusuporta sa kanya.
Sa Amerika na namamalagi si Ai Ai at umuuwi na lang kapag may project siya sa GMA-7, kaya hindi rin siya apektado sa persona non-grata issue. Siguro naman, pag-uwi niya ng bansa, hindi siya pipigilan na umuwi sa bahay nila na nasa Kyusi?
Comentários