top of page
Search
BULGAR

Sa unang 100 araw.. Pagpapatuloy ng F2F classes, pag-aaralan nang husto ni VP Sara

ni Lolet Abania | June 18, 2022



Sa kanyang unang 100 araw, ipinahayag ni Vice President-elect Sara Duterte na tatalakayin niyang mabuti ang pagpapatuloy ng face-to-face classes, na halos dalawang taon simula nang tumama ang pandemya nang mapilitan ang mga estudyante na mag-aral sa pamamagitan ng virtual lessons o online classes upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Bukod sa pangalawang pangulo, si Duterte ay magsisilbi rin bilang Department of Education (DepEd) Secretary.


“The first 100 days will be focused on the budget since we are already set to submit the budget for the General Appropriations Act of 2023, and discussing how to send back to face-to-face classes all the learners in basic education,” saad ni VP Sara sa mga reporters.


“Unang una iyong epekto ng pandemic sa ating learners and sa sobrang tagal na hindi nag-face-to-face classes,” aniya. “Pangalawa, the question on sending them all back to school, full-on face-to-face classes. Then number 3, thorough discussion on the K-12 program,” sabi pa ni Duterte.


Matatandaan na ang DepEd at ang Commission on Higher Education (CHED) ay unti-unti na ring ipinagpatuloy ang mga in-person classes noong nakaraang taon, subalit ang pagbabalik ng mga estudyante sa kanilang mga campuses ay naging mas mabagal kumpara sa mga kalapit nating mga bansa.


Una rito, sinabi ni Duterte na pabor siya sa pagre-revive ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), subalit dumistansiya na rin sa aktuwal na panukala para muling itatag o reinstitute ang programa na paghahanda sa mga young adults na maging military officers.


“ROTC has nothing to do with the basic education,” sabi ni VP Sara. “I am the Secretary of Education, and ROTC should be best discussed in the higher education,” paliwanag pa niya. Gaganapin ang inagurasyon ni VP Sara bilang 16th vice president ng Pilipinas sa Linggo, Hunyo 19.


Samantala, kinumpirma ni Duterte na dadalo sa inagurasyon niya si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. “Yes. I understand nag-confirm siya sa event organizer,” ani pa VP Sara.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page