ni Nitz Miralles @Bida | February 8, 2024
Nai-share ng photographer na si Karlo Torio at artist and creative na si JF Calimag na dapat pala ay may prenup photo shoot sila kina Dominic Roque at Bea Alonzo sa Turkey.
Nag-post sa Instagram Story si Karlo at sabi, “We received a call last December to shoot Bea and Dom’s prenup. I’ve kept this as a secret between me and @jfcalimag until today and we thought how exciting this would be to film a prenup video for the couple. We’re supposed to fly somewhere between Asia and Europe and imagined how magical and full of love this experience for them. Nakakalungkot. Nakakagulat. I wish for both of them to heal and find the time to recover.”
Si JF naman, ipinost ang isang tula na para sa prenup shoot nga nina Bea at Dominic.
Ang ganda ng tula na tungkol sa paghahanap, natagpuan at iisa na sila ngayon.
Sabi ni JF, “Sinulat ko ang tulang ‘to para sana sa isa sa pinakamalaking project namin ni @karlotorio this year - Bea & Dom wedding. Prenup film sa bansang Turkey sana ang plano bago matapos ang quarter one. Pero ganu'n siguro talaga ang buhay. Ganu'n siguro talaga ang pag-ibig.”
Wala na ngang prenup na isu-shoot sina Karlo at JF dahil tinapos na nina Bea at Dominic ang kanilang relasyon. Walang binanggit na exact date ang dalawa sa prenup shoot na kanila sanang gagawin para sa ex-couple.
Comments