top of page
Search
  • BULGAR

Sa tagal sa showbiz, walang ipon… PAOLO, SA BAHAY LANG NG MADIR NAKATIRA

ni Nitz Miralles @Bida  | June 8, 2024



Paolo Contis


Nakaarbor kami ng balato kay Lolit Solis mula sa almost P2 M na birthday gift sa kanya ng mga kaibigan sa katatapos na birthday niya noong May 20. 


‘Katuwa, nasa brown envelope lang ang kaperahan ni Lolit at bunot lang siya nang bunot para mamigay sa mga humingi ng balato.


Kaya lang, alam ni Lolit kung sino na ang nabigyan niya ng balato at bawal ang take two.


Sa birthday na lang daw niya next year bumawi at tinanong siya kung may plano na. 

Hopefully, umabot sa P3M ang matanggap na birthday gift ni Lolit para makahingi uli kami ng balato.


Ang daming tsika ni Lolit, pero hindi siya sure kung break na ba talaga sina Paolo Contis at Yen Santos. Baka nagpapahinga lang daw ang dalawa at magkakabalikan din. 


Hindi pa rin nagbabago ang tingin ni Lolit kay Paolo na mabait ito. Nanghihinayang lang si Lolit na wala pa ring bahay ang alaga niya at sa bahay ng mom lang nito nakatira si Paolo na mabuti na rin dahil naaalagaan nito ang ina.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page