top of page
Search
BULGAR

Sa survey ng Archlight, lahat ng ‘manok’ ni PBBM hindi pumasok sa top 12

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 8, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA SURVEY NG ARCHLIGHT NO. 1 SI SEN. BONG GO, PASOK DIN SA TOP 12 MGA INENDORSO NI EX-P-DUTERTE, PERO LAHAT NG 12 MANOK NI PBBM SA PAGKA-SENADOR, LAGLAG -- Sa isinapublikong senatorial survey nitong nakalipas na January 4, 2025 ng Archlight social media page na nakabase sa Maynila na may higit 1.9 million followers, top o number 1 si reelectionist Sen. Bong Go. Ang kapuna-puna rito, isa man sa mga “manok” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay walang pumasok sa top 12, at dahil sa pa-survey na ito ang lumabas na posibleng pumasok pa sa “magic 12” ay ang limang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) party senatorial candidates ni ex-P-Duterte at anim na kandidatong independent.


Kung ang 32 milyong botante na bumoto noong 2022 kay Vice Pres. Sara Duterte ay buo pa, mamalasin talaga ang mga kandidato ni PBBM sa pagka-senador dahil baka ang mangyari lahat sila laglag o talo, boom!


XXX


MALAKAS PA RIN ANG KARISMA NI EX-P-DUTERTE SA TAUMBAYAN -- Nang ating i-search ang ibang post ng Archlight social media page, hindi naman ito isang pro-Duterte page kasi ang karamihan sa mga pinu-post nito sa socmed ay may kinalaman sa kasaysayan ng Pilipinas at ibang bansa, at may mga post din dito na may kaugnayan sa pulitika, lalo na ang bangayang Marcos at Duterte.


Ibig sabihin ay patas ang survey na ito kasi nga hindi naman pala ito pro-Duterte page, at dahil lahat ng kandidato ng PDP ay pasok sa pa-survey na ito, lumalabas na malakas pa rin ang karisma ni ex-P-Duterte sa taumbayan, period!


XXX


IPINAGBAWAL NA NGA NG SC ANG PORK BARREL, PERO ANG MARCOS ADMIN NAGLAAN PA NG NAKALULULANG PORK BARREL PARA SA MGA SEN. AT CONG. -- Hindi lang pala ang P531.66 billion na unprogrammed appropriations sa 2025 national budget ang tinutukoy ni dating Senate President Franklin Drilon na pork barrel, kundi pati ang isiningit na P134 billion sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) 2025 budget.


Ipinagbawal na nga ng Supreme Court (SC) ang pork barrel, tapos itong Marcos administration naglaan pa ng nakalululang halaga ng pork barrel para sa mga kaalyadong senador at kongresista ng Malacañang, buset!


XXX


SA DAMI NG NAGHIHIRAP SA PANAHON NG MARCOS ADMIN, PUMALO NA SA 23.6 PINOY ANG NANGUTANG -- Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nitong nakalipas na year 2024 ay dumami o pumalo sa 23.6 na mga Pinoy ang nangutang sa mga bangko at iba pang financial institution sa ‘Pinas.


Patunay iyan na parami nang parami ang mga naghihirap na Pinoy sa ilalim ng Marcos admin, kasi kung sagana ang pamumuhay ng mamamayan, hindi sila mangungutang, lalo’t hindi sila magkakautang, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page