top of page
Search

Sa sobrang sexy, Barbie… DAVID, ‘DI NAKAPAGPIGIL KAY SANYA

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 30, 2025




Tampok ang famous Calle Crisologo ng Vigan sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) at sa gaya naming hindi pa nakakapunta sa Vigan, big come on ito para panoorin ang pelikula. 


Ginawang red district ang Calle Crisologo, may mga bar, pokp*kan, bentahan ng chop-chop cars at kung anu-ano pa.


Sa Calle Crisologo rin mate-test si Deacon Sam (David Licauco) kung dapat ba siyang maging pari o hindi ipagpatuloy ang pagiging pari. May mga eksena rito si David at mga linyahan na sa shooting lang niya narinig.


Inamin naman nitong na-challenge siya sa role niya na naharap sa maraming tukso. Nakakatawa ang trailer ng movie ni Director Benedict Mique at para mas ma-enjoy at matawa, panoorin n’yo ito. Tatawa at mapapaisip at may matututunan daw ang manonood nito at sabi ni Atty. Annette Gozon-Valdes, bagay na pang-Black Saturday.


Naseksihan pala si David kay Sanya Lopez sa eksena ng aktres na naka-bikini. Nasabi raw niyang, “sexy” na ikinatawa ng aktres. Totoo namang sexy si Sanya, kaya dapat, hindi na magselos ang BarDa fans.


Sinabi na ni Sanya na friends lang sila ni David, “Hindi kami love team, tandem kami,” at ganu’n din ang sasabihin ni David. Saka, matagal na pala silang nagkakatrabaho, kaya komportable na sa isa’t isa. 


In fact, tumutulong si David Licauco na hanapan ng boyfriend ang aktres, mina-match siya sa mga kaibigan nito at malay natin, kaibigan ni David ang idine-date ni Sanya Lopez ngayon na non-showbiz Chinese businessman.


 

Anak, ‘di naman daw pangit…

IBINUKING NG MADIR: KATHRYN, MARAMING MANLILIGAW


Nakakatuwa ang mga fans ni Kathryn Bernardo, ang suggestion nila ay pumasok ang aktres sa Bahay ni Kuya, maging house guest sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition para hindi raw makaporma si Lucena Mayor Mark Alcala. As if naman, hindi lalabas sa Bahay ni Kuya si Kath granted na pumasok nga siya.


Marami ang pala-desisyon sa love life ni Kathryn, huwag daw nitong sasagutin si Mark. Magagalit ba sila kapag sinagot siya ni Kathryn? 


Tama ang comment ng ibang mga fans ng aktres, nasa tamang edad na siya to decide for herself and for sure, may guidance ang parents niya sa magiging desisyon niya.


And speaking of Kathryn’s mom, nagkaroon ito ng slight issue nang i-follow sa Instagram (IG) si Mark at mabilis ding in-unfollow. Baka raw napindot lang ni Min Bernardo ang IG ni Mark at nang maisip ang ginawa, in-unfollow agad.


Samantala, may nakakatuwang sagot si Min sa interview sa kanya ni MJ Felipe for ABS-CBN. Isa sa mga tanong sa kanya ay kung maraming suitors si Kathryn?


“Marami. Siyempre naman! Ang pangit ba naman ng anak ko kung walang manliligaw,” saka tumawa.


Hindi na natanong si Min kung sino ang mga suitors ni Kathryn na siguradong hindi rin naman nito sasabihin. Respeto na lang sa anak na tahimik sa mga suitors niya.


 

MAGANDA ang setup ni Carmi Martin sa TV5 at kahit wala siyang kontrata, ang network ang itinuturing niyang home network. Pinapayagan siyang tumanggap ng offer sa ibang network, basta walang conflict sa taping niya sa TV5.


Tapos na ang taping nila ng Ang Himala ni Niño (AHNN), puwede siyang tumanggap ng offer from other network. Pero, kapag nagkaroon ng Book 3 ang series at kunin uli siya para gampanan ang karakter ni Madam Chona, tiyak na ang series ang magiging priority ng aktres.


“Ipinagdarasal ko na magkaroon uli ako ng series sa TV5, masaya ako rito. Masayang magtrabaho rito at pinapayagan naman nila akong magtrabaho sa ibang channel basta ‘di makakaapekto sa schedule ko rito,” wika ni Carmi.


Mahal ng mga viewers ang karakter ni Carmi na si Madam Chona at mahal din nito ang karakter niyang very partikular sa pronunciation ng kanyang pangalan. Nakakatuwa ang rason ni Madam Chona na alam tiyak ng sumusubaybay ng series.


May two weeks airing na lang ang AHNN na ang Cornerstone ang line producer. Si Thop Nazareno ang director na masaya working with the cast.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page