ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 23, 2024
Nakakatuwa ang nai-share na photos ni Darla na nasa gym sila ni Bimby at nagba-boxing.
Sa four pictures na ipinost ni Darla, makikitang nag-e-enjoy mag-boxing si Bimby, na hindi lang namin alam kung ngayon lang niya ginawa o dati pa.
May mga tanong ang mga fans sa caption ni Darla na “Sunday fanday with this cutie, na ‘di ako sinabihang magwo-workout pala kami eme. Hehehe! Love love love... soon!”
Ano raw ang “soon” na binanggit ni Darla?
Samantala, sa post ni Kris Aquino, napuri ng mga netizens si Bimby sa nabanggit ng mom niya na “Ang hirap to see my 17-year-old doing his best to stay strong.”
Sey din ni Bimby, “Mama, until they do the biopsy, let’s trust God that you’re cancer free. Lola will make sure you’ll get through this and if ever Mama, it’s early detection.”
Nag-joke pa raw si Bimby ng “I don’t think Tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he’s enjoying the peace and quiet in heaven. You do know how you can talk nonstop.”
Sa convo ng mag-ina, makikita raw ang pagiging mature ni Bimby. Malaking-malaki talaga ang naitutulong ni Bimb sa mom niya.
ISA sa mga naitanong kay Vina Morales sa interbyu sa kanya para sa November 16, 2024 concert niyang The Ultimate Performer: Vina Morales Live In Concert ay ang anak na si Ceana. Kumusta na ito at ano ang relasyon sa ama ng bata na si Cedrick Lee?
Masayang ibinalita ni Vina that her unica hija is doing fine. Naalis na raw ang pagiging mahiyain nito. In fact, member ang anak ng pep squad ng school nito at ipinost pa ni Vina ang photos ng anak in her cheerleader uniform.
Tungkol kina Ceana at ama nito, okey daw ang mag-ama.
“I think I’m not the right person to answer that. But Ceana visited her dad na. We’re praying for him,” sagot ni Vina.
Anyway, birthday ni Vina noong October 17 at sa lobby ng Manila Peninsula siya nag-celebrate ng kanyang birthday. Masaya si Vina dahil halos kumpleto ang kanyang pamilya at kasama niya si Ceana na dalagang-dalaga na.
Samantala, ang nasabing concert ni Vina ay produced ng VCSD Entertainment Productions and directed by Vergel Sto. Domingo.
Happening sa ballroom ng Winford Manila, opening act sina David Young at Nathan Randal. Special guests sina Dindo Fernandez at Niña Campos.
IBINALITA ni Marco Gumabao na natapos na niya ang certificate course niya for Public Service bilang paghahanda sa pagpasok sa pulitika.
Sey nito, “Everyday is a new opportunity to learn and grow.
“Successfully finished my Public Service Administration certificate course from the University of the Philippines- National College of Public Administration and Governance and Center for Policy and Executive Development. Thank you to all my professors, I will definitely keep in my heart everything I’ve learned.
On to new heights- This time wiser, and with God by my side. Thank you for taking this with me @cristinereyes.”
Sagot ni Cristine, “Go love! Proverbs: 1:5 : Let the wise listen and add to their learning, and let the discerning get guidance.”
Kasabay kasi ni Marco na nag-enroll sa special course ang girlfriend.
Mas marami ang positive comments kesa nega comments sa post na ito ni Marco. The netizens wish him well sa pagpasok niya sa politics.
Ang payo sa kanya, huwag gumaya sa mga corrupt na pulitiko at unahin ang pagiging public servant.
May nag-comment naman na sana, gayahin siya ng mga baguhang papasok sa pulitika, lalo na ‘yung galing sa showbiz. Sana raw kagaya sila ni Marco na kumuha ng certificate course on Public Service Administration para may background man lang sila sa kanilang papasukin.
May nag-comment din na hindi lang si Marco ang ikakampanya ni Cristine na tatakbong congressman sa 4th District ng Camarines Sur, pati na rin ang Ate Ara Mina niya na kandidatong konsehal sa Pasig City.
Hindi malayong pasukin din ni Cristine Reyes ang pulitika in the future.
Kommentare