top of page
Search
  • BULGAR

Sa ‘Sara-Go’ tandem.. No comment — Mayor Sara

ni Lolet Abania | October 3, 2021



“No comment,” ito ang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isang text message nang tanungin tungkol sa ‘Sara-Go’ tandem ngayong Linggo.


Hindi nagbigay ng kumpirmasyon o nag-deny si Mayor Sara hinggil sa binitawang pahayag ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, na siya ay tatakbo sa pagka-pangulo habang si Senador Bong Go ang kanyang running mate sa 2022 National and Local Elections.


Nitong Sabado, naghain si Sara ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection sa 2022 bilang mayor ng Davao City.


Ibinulgar naman ni Pangulong Duterte kahapon, ang pagtakbo umano ng kanyang anak sa pagka-pangulo matapos na ianunsiyo na magreretiro na siya sa pulitika.


“Sara-Go na,” ayon sa Pangulo sa isang video interview na nai-share ng “24-Oras” nitong Sabado nang gabi.


Kasunod ang statement ng Pangulo, matapos ang paghahain ni Go ng COC sa pagtakbo namang bise-presidente sa 2022.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page