top of page
Search

Sa sahig din daw pinatulog, nanay pumalag… SIGAW NG EX: BUBOY AT BAGONG DYOWA, TODO-LANDIAN SA HARAP NG MGA BATA

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | Mar. 28, 2025





Ibinulgar ng misis ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens ang naging buhay niya sa piling ng Kapuso actor pagkatapos nilang maghiwalay.


Isang mahabang post sa Facebook (FB), maraming screenshots ng conversation sa phone, at shocking pictures ng mga pasa sa katawan ni Angillyn ang inilantad niya sa publiko.


Ginawa ito ni Angillyn dahil daw sa mga natanggap niyang pamba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya.


Sa kanyang FB post, isa-isang sinagot ni Angillyn ang mga maling akusasyon daw sa kanya.


Bungad ni Angillyn, “The reason why I am speaking and BAKIT NGAYON LANG? I’ve always told him na ayokong ma-compare, ‘wag n’ya hayaan na ma-bash ako at ang family ko kasi wala akong nagawang mali sa kanya noon hanggang ngayon, pero nu’ng nag-reveal s’ya, maraming negative comments about sa ‘kin at family ko… to the point na kino-compare family ng GF nya sa family ko and ako na never nag-cheat, marami akong hate na natatanggap. 


“HINAYAAN N’YA ‘YUN KAHIT NANAHIMIK AKO, MAY BASH PA RIN SA ‘KIN. E ‘DI ILABAS KO NA LANG ‘YUNG TOTOO, KASI NAKAKASAWANG MABUHAY NG MABUTI SIYANG TAO HABANG KAMI MASAMA AT HIGIT SA LAHAT HINDI NIYA KAMI IPAGTANGGOL.”

Ilang beses na raw siyang binastos at hindi inirerespeto, maski ang anak ni Angillyn kay Buboy.


Pahayag niya, “Ilang beses ko na sila kinausap para sana maging maayos, pero hanggang huli hindi pa rin nila ako pinakinggan. Kung makikita n’yo mga interview ni Buboy sa GMA, palagi n’ya sinasabi na inirerespeto niya ako at mahal n’ya raw mga anak namin... ayoko na magamit ang mga anak ko para sa ikakalinis ng pangalan niya. Pinapalabas niya palagi na siya ang nag-aalaga na kahit bihirang-bihira niya lang mapuntahan mga anak namin... kaya nga halos lahat ng comments ‘Si Buboy daw ang nag-aalaga,’ kasi ‘yun ang pinalabas n’ya sa media, never n’ya ngang naalagaan (ang) mga anak namin nang isang linggo, laging isang araw lang at bilang lang sa daliri sa buong taon.”


Nagbigay din ng mensahe si Angillyn sa girlfriend ni Buboy na hindi naipakilala ng ex niya sa kanya.


“‘Yung GF n’ya, nagsusumbong na (ang) anak namin na naghahalikan daw sila sa harap nila at magkatabi sa kama, na gusto sana ng anak naming babae na katabi ang papa niya, pero imbis na ganu’n, sa floor nila pinatulog mga bata, katabi ng yaya. ILANG BESES NAULIT, kahit naman siguro sinong nanay, MAGAGALIT. 


“Kinausap ko na sila about d’yan, paulit-ulit pero hindi pa rin ‘yun nasunod. Minsan na nga lang kitain ‘yung bata, ganu’n pa ginagawa. Puwede namang ipagpabukas ‘yung harutan, ‘pag wala na ‘yung mga bata sa kanila. Siguro, kahit sinong nanay, magagalit at higit sa lahat, bawal ‘yun gawin sa harap ng mga bata, lalo at 7 years old na si Vlanz, may utak na at hindi dapat n’ya nakikita ‘yung ganu’ng bagay... GALIT AKO MALAMANG. RESPETO LANG SANA SA MGA ANAK KO.”


Pinagsabihan na rin daw ni Angillyn si Buboy na huwag nang isama sa vlog niya ang kanilang mga anak. Puro negative sa side ni Angillyn daw kasi ang mga nakalagay sa comment section.

Pagbubulgar niya, “Una sa lahat, kahit kailan, hindi pinagbawalan si Buboy pumasok sa bahay namin at hindi siya tinratong iba, malaya s’yang makapunta sa bahay namin. Kung ano man nakita n’yo sa Magpakailanman, lahat ‘yun ay ginusto ng writer para mapa-drama ‘yung istorya, WALANG KATOTOHANAN. 


“Kainuman pa ng papa ko si Buboy ‘pag may events. Sinabihan din namin si Buboy na magsalita about du’n, pero ang sabi n’ya, oo raw pero lumipas na ang ilang taon, hindi pa rin n’ya naipagtanggol ang mga magulang ko. Sobrang bait ng mga magulang ko sa kanya... sobra.”


Pinagkasunduan daw nila ni Buboy na sa mga magulang ni Angillyn iiwan ang mga anak nila. Hindi raw kasi kaya ni Buboy mag-alaga dahil wala siya palagi sa bahay. At ang mga magulang naman ni Buboy ay gabi-gabi raw umiinom ng alak.


Hindi rin daw nagsusustento si Buboy sa mga anak nila for 2 years.


“Wala naman kami kahit kailan na inireklamo kahit 40K per taping/per hosting/per day si Buboy. CHOICE N’YA ‘YUN. Tinanong ako ng PEP kung bumaba na raw ba sustento simula nu’ng lumabas anak nila. Sinagot ko lang ‘yung tanong, pero ginamit n’yo na para i-degrade ako. Oras na lang sana para sa mga bata, du’n na lang sana bumawi dahil s’ya lang ang meron ang mga bata. Nasa America ako DAHIL NEED KO MAGTRABAHO…


“Dalawa trabaho ko sa America dahil kahit future nila, kailangan ko simulan ‘yung ipon,” sabi ni Angillyn.


Sinagot din ni Angillyn ang mga mamba-bash sa kanya na mahirap lang si Buboy kaya niya iniwan.


“Kahit kailan, ‘di ko s’ya iniwan kahit hindi na ako napapakain nu’ng mga

araw na nagpapadede ako kay Vlanz. Sinamahan ko s’ya sa hirap kahit kapatid ko na mismo bumibili ng food namin noon, sinamahan ko pa rin s’ya dahil mahal ko siya. Binayaran ng mama ko upa namin ng isang taon. Tinulungan namin si Buboy makabangon dahil mahal ko si Buboy noon at wala na akong ibang ginusto mangyari, kundi maging buo palagi pero paano naman ako? Sinasaktan n’ya ako, konting away lang, mananakit na dahil alam n’yang hindi ako nagsusumbong sa mga magulang ko, gabi-gabi umiinom at pag-uwi, MAOY (galit o nagwawala ‘pag lasing), tapos ending, puro na naman pananakit at pagmumura sa ‘kin sa harap ng 1-year-old. BINANGGA n’ya ‘yung kotse namin sa araw mismo ng birthday ni Vlanz dahil nagtatalo kami. NANDU’N anak ko PERO NAGAWA N’YA ‘YUN at walang katapusang panloloko. Ilang beses n’ya ako niloko ng paulit-ulit, pero ano ang ginawa ko?


“Pinatawad ko at umasang baka sakaling magbago pero hanggang huli, ‘di pa rin s’ya nagbago. Wala na akong choice kundi iwan dahil napapagod na akong lokohin, napapagod na akong saktan physically… Sinakal n’ya ako habang nagpapadede ng anak kong babae.


Dahil nade-depress ako, WALA AKONG KAIN, UMIIYAK AKO, NAG-STAY PA RIN AKO. 

“Ayokong lumaki anak ko na may trauma ng dahil sa ama n’ya... Buntis ako kay George, iniwan ko na s’ya dahil ayokong makita ng lalaki naming anak na puwedeng manakit ng babae… HABANG TUMATAGAL, LUMALALA PAGIGING VIOLENT N’YA. Masakit mang iwan s’ya pero kailangan kong gawin dahil baka mapatay na lang niya ako dati... Grabe s’ya magalit at mag-inom... Maski stepfather ni Buboy, pinagbuhatan ako ng kamay at ipapakulong na sana, pero dahil pa rin sa pagmamahal ko kay Buboy, inatras namin.


“Hindi namin kailanman naging problema na wala siyang pera. Hindi ko ‘yan niloko kahit kailan, naging tapat ako, ang hiniling ko lang sa kanya, maging maayos siyang tatay sa anak namin at ‘wag n’yang makalimutan dahil nasasaktan ‘yung anak naming babae. Masakit ‘yun para sa ‘min na sinasabi ng anak naming babae na ‘Where’s my papa? Is he not gonna visit me anymore because he has a new baby?’


“MAY UTAK NA ANAK NAMIN, nasanay si Vlanz na kausap n’ya papa n’ya. Kung anak n’yo na ‘yung nasasaktan, ipaglalaban n’yo rin. Hindi deserve ng mga bata ‘yung pagkukulang ng ama nila. Oo, wala ako sa Pilipinas para sa mga anak ko dahil kailangan ko magtrabaho.


Graduate ako sa America at sa Amerika lang ako puwede magtrabaho. Mga anak ko, gustuhin ko man na iuwi sa America, pero paano ako magtatrabaho? Mas kailangan ng mga anak ko pera ko para mabuhay sila at nagsakripisyo ako hindi para sa ikakasaya ko. Maya’t-maya umuuwi ako ng Pilipinas para makita at makasama ko mga bata. Hindi ko kailanman ginusto na mag-America at iwan sila. 


“Kahit sinong nanay, hindi gugustuhin mag-ibang bansa para itaguyod ang anak,” paglalahad pa ni Angillyn.


Sa huling bahagi ng kanyang FB post, sinabi ni Angillyn na dating kinakasama ni Buboy Villar na marami pa raw siyang nais na ilabas. Hindi lang daw niya ma-access ang dati niyang account.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page