top of page
Search
BULGAR

Sa rush hour ng hapon... Balik-number coding sa NCR, start na — MMDA

ni Lolet Abania | November 29, 2021



Napagkasunduan na ng karamihan sa mga mayors ng National Capital Region (NCR) na ibalik ang number coding scheme kung saan isasagawa ito tuwing rush hour ng hapon.


Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na batay sa report ang number coding scheme ay ipatutupad Lunes hanggang Biyernes mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng hapon at para lamang ito sa mga pribadong sasakyan.


Ang mga public utility vehicles (PUVs) naman ay exempted sa scheme dahil sa nananatili pa rin silang nag-o-operate sa limitadong kapasidad ng mga pasahero sa ilalim ng Alert Level 2.


Nakasaad naman sa report na ang aktuwal na implementasyon ng number coding scheme ay magsisimula dalawang araw matapos na ang resolution ay mailathala sa Official Gazette sa Martes.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page