ni Fely Ng - @Bulgarific | March 31, 2022
Hello, Bulgarians! “Time to shine!” Pagkakataon ito para sa mga Pilipinong negosyante, OFWs, mga retiradong empleyado, at mga indibidwal na naghahanap ng negosyong papasukin.
Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay magkakaroon ng Lotto Agent Recruitment Summit. Kung saan kailangan mo lang mag-sign up at magparehistro sa pamamagitan ng Online Registration Form access link:https://form.jotform.com/220670241757050
Ang PCSO ay magsasagawa ng summit/orientation, “Kumita para sa Pamilya at Kawanggawa” Be a PCSO Lotto Agent Recruitment Summit Project”, layunin ng proyektong ito na tulungan ang mga taong business-minded, na gusto ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagpapatakbo o pagmamay-ari ng PCSO lotto outlet, at kasabay nito ay tutulong sa ahensiya na makalikom ng mas maraming pondo para sa mga proyekto at serbisyong kawanggawa.
Alam ng lahat na ang gaming industry ay isa sa mga sektor na tinatamaan ng pandemya, at ang PCSO at ang mga ahente nito ay isa sa mga apektado ng krisis.
Kaya naman ang PCSO ay magsasagawa ng series of webinar, na tutulong sa mga tao na magnegosyo habang tinatanggap ang new normal at upang pataasin ang bilang ng mga nagpapatakbong ahente ng Lotto sa buong bansa.
Magkakaroon ng 4 batch para sa taong ito at limitado sa 150 kalahok sa buong bansa bawat online session. Ang iskedyul ng unang batch ay magaganap sa Martes, 05 Abril 2022, ganap na 10:00 AM sa pamamagitan ng Microsoft Teams.
Ang mga rehistradong kalahok ay papaalalahanan ng summit dalawang araw bago ang aktwal na event, at ang iba pang mga detalye ay ipapadala sa pamamagitan ng email.
Nag-aalok ang PCSO ng reduced/discounted prize for early bird. Ang PCSO Authorized Lotto Agent Application Fee na P2,500 ay magiging P1,500 at ang Installation Fee na P10,000 ay magiging P8,000.
Upang makuha ang discounted price, ang Lotto Application Form at iba pang mga kinakailangan ay dapat isumite sa Branch Operation Sector na may naka-print na email na nagpapakitang opisyal na pakikilahok sa nasabing summit.
Inaasahan ng PCSO ang isang produktibong summit at ang lahat ay mag-e-enjoy, higit sa lahat ay matanto na ang pagpapatakbo ng lotto outlet ay hindi lamang paggawa ng negosyo kundi pagtataguyod din ng isang karapat-dapat at layuning maging responsable sa lipunan na layunin.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
ความคิดเห็น