top of page
Search

Sa panga tinira… MUKHA NI KIM, NAMAGA SA SAMPAL NI MARICEL

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 05, 2023



Ibang-ibang Kim Chiu ang bubulaga sa mga manonood sa newest Dreamscape produced series titled Linlang na magpi-premiere airing ngayong October 5 sa streaming app na Prime Video at 12 midnight.


Malandi, nangaliwa ng asawa at nanuhog ng magkapatid - 'yan ang karakter ni Kim sa Linlang kaya gigil much sa kanya ang Diamond Star na si Maricel Soriano na gumaganap na nanay nina Paulo Avelino at JM de Guzman na tinuhog nga ni Kim.


Sa mediacon nga ng Linlang ay paulit-ulit at parang carried away pa si Marya nang sabihing "Eh, tinuhog niya ang mga anak ko!" nang magkuwento tungkol sa pananampal niya kay Juliana (karakter ni Kim).


'Kaaliw magsalita ang Diamond Star, sa panga raw niya tinira si Kim sa sampalan scene nila.


Kuwento naman ni Kim, kaya pala siya binigyan ng spray na pampa-subside ng maga ng kanyang "Inay Marya" (tawag nilang young cast kay Maricel) bago ang eksena ay dahil mamamaga pala ang pisngi niya after ng eksena.


Ouch!!! But proud pa rin si Kim na nasampal siya ng Diamond Star, ha?


Katwiran naman ni Maricel, kailangan niyang gawin 'yun dahil hindi puwedeng pekein ang sampal at para lumabas na natural at ramdam ang galit niya sa eksena.


Pero kahit may sakitan, behind the cam naman ay masaya ang buong cast na bukod kina Kim, Paulo, JM at Ms. Marya ay kasama rin sina Kaila Estrada, Ruby Ruiz, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Jaime Fabregas at marami pang iba.


In short period of time, nakapag-bonding na nga sila at nakilala ang isa't isa.


Ishinare ni Kim nu'ng tanungin namin kung ano'ng first impression niya kina Paulo at JM na "nalinlang" siya nang makilala na niya ang tunay na ugali ng mga ito, pareho raw 'di nagsasalita ang dalawa.


Si JM, panay daw ang laro ng Mobile Legends at kailangan pang pigilan ni Kim para makasabay niyang kumain at nang makapag-usap-bonding naman sila.



"Takot ako kay Kim, eh," sagot naman ni JM when asked kung ano'ng meron si Kim at napapatigil siya sa kanyang paglalaro ng ML.


Si Paulo naman, ayon kay Kim ay may sariling mundo, at pareho raw introvert ang dalawa niyang leading men habang siya ay extrovert.


Buti na lang at madaldal si Kim at siya ang nagdadala sa conversation kaya kahit first time niyang nakatrabaho si Paulo ay nagkaroon sila ng rapport.


Puring-puri naman nina JM at Paulo si Kim bilang leading lady.


Sabi ni JM, nagulat siya na sa pagiging kalog at komedyante ni Kim ay seryoso pala itong aktres.


Nagsusulat pa nga raw ito ng mga notes ng bawat movements na gagawin niya sa eksena. Kaya naman kahit magaling nang aktor si JM, kinakabahan pa rin daw siya 'pag si Kim ang kaeksena niya at talagang pinaghahandaan niya ang mga scenes nila.


Ang ibinulgar naman ni Paulo tungkol kay Kim, mabilis daw itong mag-ayos at kumilos kumpara sa ibang babae kaya plus factor 'yun para mas mapabilis ang kanilang trabaho.


Anyway, puring-puri ng mga press people na nakapanood ng first two episodes ng Linlang ang mga eksena nito dahil wala kang itatapon at kung puwede lang, panoorin mo na nang buo ang kuwento.


Kaya lang 14 episodes ito na magsisimula nga this Oct. 5 sa Prime Video at 2 episodes lang muna ang ipapalabas kaya susundan mo talaga.


Marami pang exciting scenes ang dapat abangan kaya mapupuri mo talaga sina Direk FM Reyes at Direk Jojo Saguin sa galing nila sa pagtimon sa mga twist and turns ng Linlang.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page