ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 17, 2024

After his 10th anniversary concert sa Araneta Coliseum last June 1, plano naman pala ni Darren Espanto na umuwi sa Calgary, Canada sa end of June at mag-stay du'n for two weeks.
Matagal-tagal na raw kasi niyang hindi nakakasama ang kanyang pamilya at nu'ng last year na nakauwi siya sa kanila, 1 day lang siyang nag-stay dahil isiningit lang niya sa Star Magic tour sa Canada ang pagbisita ru'n.
Pero bago pa umalis si Darren, nakatsikahan na namin siya sa mediacon na ibinigay ng Star Magic at dahil ngayon nga lang uli namin nakaharap at nakausap ang magaling na singer ng kanyang henerasyon ay kinumusta na namin sa kanya ang estado ng relasyon nila ngayon ni Cassy Legaspi matapos maging controversial at pag-usapan ang diumano'y pag-friendzone nila sa isa't isa.
Paglilinaw ni Darren, “‘Di naman friend zone pero sa amin na lang ‘yun ni Cassandra. Haha! Pero yeah, Casey and I, we're still okay naman po.
“Hindi naman totoo ‘yung mga lumalabas na issues tungkol sa amin na may mga grudges between me or Cassy and her family. Okay po kaming lahat, eh. Kaya sa amin, basta alam namin ang totoo, we're all fine, we're all okay.”
Kung medyo dumistansiya man daw sila ni Cassy sa isa't isa at hindi na madalas nagkakasama, ‘yun ay dahil magkaiba na ang landas na tinatahak nila at pareho na rin silang busy.
Pero wala naman daw silang problema ni Cassy at maging sa relasyon niya sa pamilya ng aktres.
When asked kung ‘di ba muna siya ready for a relationship dahil sa sobrang busy ng sked niya, sagot ni Darren, “Opo, parang ‘di ko rin naman po hinahanap ngayon. Parang ‘di rin naman siya priority. Kasi baka sabihin na naman ng mga bashers, user-friendly ako, so ewan ko sa kanila,” natatawa na lang niyang sagot.
So, ‘yun na!
Comments