top of page
Search
BULGAR

Sa pagtaas ng inflation… P100 dagdag-sahod, hirit ng labor group

ni Lolet Abania | November 7, 2022



Nanawagan ang isang labor organization para sa P100 across-the-board increase sa ipinatutupad na minimum wage sa bansa para sa mga manggagawa dahil na rin ito sa pagtaas ng inflation na nai-record ng nakalipas na buwan.


Ayon kay Partido Manggagawa National (PMN) Chairman Rene Magtubo, ang dagdag-sahod ay makatutugon sa sa inflation habang nakasaad sa mga computations na ang purchasing power ng isang minimum wage earner ay nag-decline ng P76 dahil sa mas mataas na consumer prices.


Wala namang karagdagang detalye na ibinigay hinggil sa computation ng grupo kaugnay sa purchasing power, subalit ini-report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang value ng P1 ay bumagsak sa 85 centavos nitong Oktubre.


“I-demand namin for a P100 increase. Actually, waste recovery ito and ito ay panawagan namin sa Congress to legislate an across-the-board increase nationwide sa lahat ng mga manggagawang apektado ng inflation,” pahayag ni Magtubo sa isang interview ng GMA News nitong Linggo.


“I-manage natin hindi lang ‘yung negosyo, i-manage natin pati buhay ng tao lalo na mga ordinaryong minimum wage earners,” dagdag ng opisyal.


Batay sa ulat, ang inflation ay pumalo na o nag-clocked in sa 7.7% nitong Oktubre, ang pinakamabilis sa loob ng 14 taon, dulot ng mas mataas na mga presyo ng pagkain at mga non-alcoholic beverages sa buwan na ito.


Una nang inaprubahan ng regional wage boards ngayong taon, ang increase sa minimum wage sa maraming rehiyon, kung saan pinakamababa ang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may P305, habang pinakamataas naman sa Metro Manila na may P570 nitong Oktubre 2022.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page