ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 9, 2024
Si Teddy na isa sa mga hosts ng Showtime ay hindi napigilang magbigay ng saloobin.
Aniya sa kanyang Instagram/X account: "'Yung pinag-aaway-away n’yo kami, pero bakit ‘di na lang tangkilikin parehas? Yes may competition... minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nagnanais na mapasaya kayo. Kung ‘di ka masaya sa isa, eh, di du’n ka sa kabila at ‘wag ka na lang manira. Focus ka na lang sa TV mo at ‘wag sa TV ng kalaban mo."
Komento ng mga netizens na nakakaintindi ng sitwasyon, "May point naman siya."
"Tama nga naman. Support na lang kung saan show mo man gusto. ‘Wag nang manira. ‘Di ba, bwak-bwak-bwak!"
"Mas maganda ‘pag may competition so both shows will do their best. In the end, audience ang panalo kasi maganda ang content."
"Yes pero hindi maganda na sisiraan pa ‘yung kalaban. Purihin na lang ‘yung gusto mong show."
"Solid Showtimer ako, pero never ako nagko-comment ng against sa kabila dahil hindi ko naman sila pinapanood. Kaya nagtataka ako sa iba, kung makasabi na walang mintis sa panonood nila ng IS o ‘di kaya EB!, pero kung makapagsalita sa kalabang show ng paborito nila, parang alam na alam. Meme lang o baka in denial na nanonood sila ng kalabang show."
"Iba ang sayang hatid ng IT'S SHOWTIME. Walang bagot moment sa kanila. For me, hindi boring."
Reply naman ng mga netizens na halu-halo ang komento at nagtatalo na:
"Sa totoo lang, sina Vice, Jhong, Karylle at Anne na lang talaga nagbubuhat ng show. The rest are just extra."
"GANOON DIN NAMAN SA KABILA, ANG MGA BAGETS LANG ANG KUMIKILOS,
ANG 3, NAKATAYO LANG. HINDI NAMAN LAHAT 100% ANG PARTICIPATION. ALANGAN NAMANG LAHAT, BIDA. NASA DIRECTOR DIN 'YAN KUNG ANO'NG IBIBIGAY SA HOST. ALANGANG MAG-BYPASS ANG ARTISTA. NAGHIHINTAY DIN KUNG ANO ANG UTOS NG DIRECTOR."
"Healthy competition is a good thing. Kapag number one ang show, ibig sabihin, maraming nanonood, so mas madaming sponsors, more ROI (return of investments. Business is business."
“Kahit sabihin na healthy competition, mag-e-end up din 'yan na mag-aasaran at magpaparinigan na, kasi 'yung isa, mas umaangat na.”
May point din naman.
Comments