ni V. Reyes | March 8, 2023

Nahaharap ngayon sa kasong multiple murder si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves gayundin ang limang iba pa kaugnay ng umano’y serye ng pagpatay noong 2019.
Inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice (DOJ) ang reklamong murder laban kina Teves gayundin kina alias Hannah Mae (3 counts), Richard Cuadra alias Boy Cuadra (2 counts), Jasper Tanasan alias Bobong Tanasan (2 counts), Rolando Pinili alias Inday (2 counts), at Alex Mayagma (1 count).
Wala pang buong kopya ng reklamo na inilalabas ang PNP at DOJ habang isinusulat ang balitang ito.
Bagama’t kabilang umano sa reklamo ang pagpatay kay ex-Negros Oriental Board Member Miguel Dungog noong March 2019.
Sa isang panayam kay Atty. Levito Baligod, tumatayong abogado ng mga complainant,
kabilang sa mga testigo sa kaso ang ilang kasapi ng “assassination team” kung saan nagbigay ang mga ito ng kanilang affidavit.
Sinabi ni Baligod na posibleng may iba pang mga kaso ang maihain sa mga susunod na araw dahil may 12 pang insidente ng pagpatay ang nangyari sa pagitan ng taong 2018 at 2019.
Nauna nang itinanggi ni Teves na may kinalaman siya sa pagpatay kamakailan kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Comments