Sa pagpanaw ng music icon… RACHEL, IBINULGAR KUNG ANO’NG KLASENG AMA SI HAJJI
- BULGAR
- 4 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 25, 2025
Photo: Rachel at Hajji Alejandro - Instagram
Ang ganda ng tribute ni Rachel Alejandro sa pumanaw na amang si Hajji Alejandro.
Ayon sa singer-actress sa kanyang Instagram (IG) post, itinuturing niyang “brightest star” sa kanilang pamilya ang kanyang ama kaya naman hindi raw nila alam ang kanilang gagawin ngayong nawala na ang nagbibigay sa kanila ng liwanag.
“He never got old. What happens when the brightest star in a galaxy dies? My Dad was our sun and we were the planets, orbiting around him, basking in his warmth and light,” ani Rachel.
Ginunita rin ng anak ni Hajji ang panahong mga bata pa sila ng kanyang mga kapatid at sumasama-sama sa mga lakad ng ama. She even remembered na nakakatulog pa sila sa bahay ni late Comedy King Dolphy kapag nakikipaglaro ng Poker ang ama niya.
“As kids, we tagged along to all his activities, be it shows, rehearsals, basketball games — it didn’t matter what it was. We would fall asleep at Dolphy’s house if he was there for an all-night poker game. There was nowhere else we would rather be than by his side because every minute in his presence was fun,” kuwento niya.
Gustung-gusto raw nilang kasama ang kanilang ama kahit lumaki na sila at nagkaroon ng asawa.
“Even as adults, we craved his company even as we got married and went about our own lives. I hung on to his every word about politics, financial investments or the latest joke he planned on including in his next concert with the Hitmakers. He loved to make people laugh as much as he loved to sing and dance,” pagbabahagi ng singer-actress.
Isa pang ikinahanga ni Rachel sa kanyang ama ay never daw itong nag-cancel ng show kahit pa masama ang pakiramdam nito. She revealed na bago raw nagpaopera si Hajji ay nag-perform pa ito sa dalawang events.
“My Dad was a happy, optimistic man who valued having a good, comfortable life, yes, but more importantly, he prioritized providing for his partner, mother and children. And his way of doing that from the time he had me at the young age of 19, was through his golden singing voice, which is why regardless of how he was feeling, he never cancelled shows.
“Even when he was already in considerable pain, he performed in 2 more events before he was admitted into the hospital for surgery. For Dad, every show is a blessing and performing for you all is our highest calling as singers,” pagbubulgar niya.
Ayon pa kay Rachel, kahit 2 buwan niyang nakasama ang kanyang ama bago ito nawala, hindi pa rin daw siya ready when his final hour came.
“2 months of hospital stays and spending time with him at his home and I was still not prepared as I helplessly watched him breathe his final breath,” ani Rachel.
Hindi raw niya alam ang gagawin ngayong wala na ang daddy niya, “But I intend to make him proud in everything I do, to live by his code of honor and goodness, to perform for you all with everything I’ve got and leave it all on the stage every single time.
“I will now just be singing and dancing with Dad in my dreams…”
Pumanaw si Hajji Alejandro last April 21 dahil sa Stage 4 metastatic colon cancer. Siya ay 70 years old.
ISA sa mga nominadong ma-evict sa PBB Celebrity Collab Edition ngayong linggo ang housemate na si Dustin Yu na nagbahagi ng kanyang karanasan sa labas ng bahay.
Sey ni Dustin, bilang middle child sa pamilya ay madalas niyang nararamdaman na siya ang may pagkakamali.
Matatandaang nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng task leader na si Klarisse De Guzman sa nagdaang weekly task na patuloy na pinag-uusapan online.
Sey ng isang netizen, “There is always a reason behind every reaction. Now it’s clear as to why naging big deal kay Dustin ‘yung pag call-out sa kanya ni Klarisse. He has past experiences that may have triggered him.”
Samantala, bago tuluyang lumabas ng bahay ay humingi naman ng tulong si Kuya sa mga houseguests na sina BINI Stacey at BINI Jhoanna upang mabigyan ng chance ang mga housemates na maayos ang hindi nila pagkakaintindihan. Nagbahagi ang dalawa tungkol sa mga bashing na natanggap nila na pinakanakakaapekto sa kanilang career at pagkatao. Pinaalala rin nila ang kahalagahan ng pagpapakatotoo.
Natapos naman sa isang masayang bonding with the housemates ang pananatili ng mga houseguest.
Abangan gabi-gabi sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition sa GMA Prime.
Comentarios