top of page
Search
BULGAR

Sa paggunita ng kabayanihan ni Jose Rizal... ‘125-Piso’ commemorative coin, inilabas na ng BSP

ni Lolet Abania | March 11, 2022



Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Biyernes ang limited edition ng “125-Piso” commemorative coin bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.


Sa Facebook post ng BSP, ipinakikita ng coin si Rizal bilang pagkilala na isang “global Filipino hero.” “His life and legacy serve as inspiration for people from all walks of life,” pahayag ng BSP.


Ayon sa BSP, ang 34-mm commemorative coin, na gawa sa nordic gold, ay mayroong larawan at lagda ni Rizal na may bigat na 15 gramo at nagtataglay ng gold-plated finish.


“Inscriptions 125 years and Martyrdom of Jose Rizal are on the obverse side while the Rizal Monument, the BSP logo, 125 Piso and Republika ng Pilipinas are on the reverse side,” saad ng BSP.


Sinabi rin ng BSP na available ang coin sa limitadong dami lamang para sa P1,000, kung saan maaaring mag-order sa official website ng kagawaran.


Matatandaang si Rizal ay binitay noong Disyembre 30, 1896, sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan Field (Rizal Park na ngayon) sa Maynila, kung saan ipinag-utos ng mga Spanish authorities.


Ginunita naman ng Pilipinas ang ika-125 anibersaryo ng kamatayan ng Pambansang Bayani noong nakaraang Disyembre.


0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page