ni Lolet Abania | July 9, 2022
Sa paggunita ng Eid’l Adha, patuloy ang panawagan ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino ng pagkakaisa at talikuran na ang mga pagkakaiba-iba, habang ang kanyang mensahe para sa lahat, “break the chains of divisiveness.”
Ngayong Sabado, Hulyo 9, idineklara ito ni Pangulong Marcos bilang isang regular holiday na aniya, ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakadakilang kapistahan ng Islam.
“Let us therefore offer ourselves for the sake of others and take to heart the lessons we learn so that we may be rewarded spiritually and become worthy recipients of Allah’s manifold blessings and protection,” ani P-BBM sa kanyang mensahe.
“As we join hands towards achieving our shared goals, I hope that we will transcend our differences, break the chains of divisiveness, and emerge strong as one nation,” pahayag pa ng Pangulo.
Sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, ang mga Muslim ay nagkakatay ng mga tupa, kambing, baka at camel upang gunitain ang ginawa ni Propeta Ibrahim na handang isakripisyo ang kanyang anak para sumunod sa utos ni Allah.
Inalala naman ng Pangulo ang pagsasakripisyo ni Propeta Ibrahim at inihalintulad ito sa bawat isa sa atin, “Ibrahim offered his son in obedience to Allah… in entrusting ourselves and surrendering our worries to Supreme Authority, all our hearts’ desires for the greater good will be heard and granted.”
“This day reminds us that, with deep faith and loyalty to our virtues, we can take risks for hefty costs, even if it means losing those whom we love and letting go of many things that matter to us,” saad ng Punong Ehekutibo.
Sinabi naman ng Pangulo na sa pagsisimula ng kanyang administrasyon, dapat na maging handa ang bansa sa aniya, “to go beyond our comfort zones as we walk the path we have willingly chosen.”
“The journey ahead of us will not be easy, but if we fight for what is right and predicate our every action on our love for our fellowmen and women, our people will surely benefit from the results of our individual choices,” sabi ng Pangulo.
Comments