ni Imee Marcos @Imeesolusyon | May 3, 2023
Nababahala ako sa biglang pagsipa ng presyo ng asukal. Tila gumagalaw na naman ang mga galamay ng mga negosyanteng mapagsamantala, ha! Aba, nakakagulat na biglang sipa hanggang sa P136 ang kada kilo ng asukal sa mga supermarket, grabe!
Anyare, bakit may sugar price hike? Eh, ‘di ba, bumabaha ngayon ng mga imported na asukal sa merkado? ‘Di ba nga, inaprub ‘yung 440,000 metric tons importation sa ilalim ng Sugar Order No. 6 para raw mapababa ang presyo ng asukal sa merkado?
Abah, eh, bakit may pagsirit ng presyo ng asukal ngayon? Para saan pa na nag-angkat tayo, sisipa rin pala ng ganyan kalaki ang presyo? Santisima!
Sa latest monitoring mismo ng Sugar Regulatory Administration (SRA), naglalaro ang retail price sa P90.95 hanggang P136 ang kada kilo ng asukal sa mga grocery sa Metro Manila. Sa mga public market naman ay pumapalo ito sa pagitan ng P88 hanggang P110 kada kilo.
Sa ganang akin, hindi malayong namamayagpag na naman ang mga traders at hoarders at pinasisirit ang presyo ng asukal para naman kumita na naman sila. Ano bah, wala na bang katapusan ito?
IMEEsolusyon nito, SRA, Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI), plis mas maging mahigpit at mas matindi ang pagtutulungan para supilin ang pamamayagpag ng mga hoarders at mga mapagsamantalang traders kaya tumataas ang presyo ng asukal. Plis, hindi pa tayo nakakabawi mula sa pandemic, and’yan na naman mga ‘yan!
Uulitin ko na naman ang IMEEsolusyon na kapag may napatunayang may hoarders, panagutin na ‘yan at sampolan ng kulong at multa para naman may madala at ‘di na manamantala!
Klarong-klaro na economic sabotage ito dahil buong bayan ang piniperhuwisyo nila!
Agree?
Comments