ni Lolet Abania | November 2, 2021
Nakatakdang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte online sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting na pangungunahan ng New Zealand sa Nobyembre 12, 2021.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang agenda sa magaganap na pulong ngayong taon ay tungkol sa global economic outlook, COVID-19 recovery, at building prosperity.
Kasama sa pagpupulong ang presentasyon ng International Monetary Fund (IMF). Ang Thailand, ang susunod na chair ng APEC, na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations katulad ng Pilipinas.
Noong nakaraang taon na APEC meeting, nanawagan si Pangulong Duterte hinggil sa pagpapatatag ng pagsasamahan ng mga bansa aniya, “strengthen partnerships to make [COVID-19] vaccines a global public good.”
Sa ngayon, nasa 27 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra-COVID-19. Target ng gobyerno na makapagbakuna ng 50% mula sa populasyon ng Pilipinas na 109 milyon bago matapos ang taon at 80% naman hanggang Mayo 9, 2022.
Comments