ni Julie Bonifacio @Winner | May 6, 2024
Pinagtsitsikahan ang latest post ni Liza Soberano sa kanyang Instagram kahapon.
Hindi ang suot na sexy swimwear ang topic ng kanilang discussion but the place kung saan kuha ang mga larawan ni Liza na kanyang ipinost.
Kuha pala ang mga larawan ni Liza sa pictorial sa kanyang ini-endorse na sunscreen brand.
Sa IG post ni Liza, makikita ang lugar o name ng beach resort kung saan kuha ang mga larawan. Ito ay sa Banwa Private Island na pinakamahal na beach resort ‘di lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
“Banwa is the most expensive resort in the WORLD! Wow!”
“Really it’s expensive than Amanpulo?” komento ng ilang netizens.
Nagkakahalaga raw ng $100,000 per night ang bayad sa Banwa, na kung iko-convert sa peso ay tumataginting na P5.7 million.
“5.7 M per night. Bakit kaya ganu’n kamahal?”
“Yes, it's more expensive than any resort in Maldives, in the Caribbean, any resort in France, Italy. IT’S THE MOST EXPENSIVE RESORT IN THE "WORLD". Cost 100 thousand US dollars per night or 5.7 million pesos per night.”
“Wow, is this located in the Philippines?”
“It’s a private island in Palawan.”
Nakaka-wow talaga ang Pilipinas!
Di naman ganun kamahal sa Banwa Private Island
https://www.banwaprivateisland.com/contact/