top of page

Sa mga vendors daw o-order ng pagkain… SAM, PAGAGANDAHIN ANG PLAZA MIRANDA PARA SA KASAL NILA NI RHIAN SA QUIAPO CHURCH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 16, 2025



Photo: Rhian at Sam Verzosa - IG


Sa gitna ng puspusang pangangampanya ni Sam Verzosa (SV) na tumatakbong alkalde ng Maynila ngayong Mayo 2025 midterm elections, napag-uusapan na rin pala nila ng girlfriend na si Rhian Ramos ang tungkol sa pagpapakasal.


Aminado naman si Sam na talagang si Rhian na ang babaeng ihahatid niya sa dambana at napag-usapan na nilang sa Quiapo Church sila magpapakasal.


“Kasi, wala pa yatang recently, in the past 10 years or 20 years na ikinasal du’n na malakihan. Sabi ko nga, pagagandahin ko ‘yung Plaza Miranda, eh. Gagawin ko talagang tourist spot, eh,” say ni Sam sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores last Monday.


May konsepto na nga raw siyang naiisip for the wedding.


“Gagawin ko ‘yung makaluma na wedding. Kasi ‘yung iba, pumupunta sa Europe, nagsusuot kung ano ‘yung tradisyon na mga suot ng European countries, eh, puwede namang gawin dito sa sariling bansa.


“Kaganda-ganda nu’ng Plaza Miranda. Lahat ng mga vendors du’n, du’n kami o-order ng mga pagkain. Dadamitan ko sila ng mga tradisyon na mga Filipino outfits,” sey ni Sam.

Aniya pa, 16 years na raw siyang deboto ng Poong Nazareno kaya naman magiging masaya siya nang labis kung sa Quiapo Church sila ikakasal.


Nang matanong kung kailan ang target date nila, ani Sam, definitely ay pagkatapos na ng eleksiyon at hinding-hindi raw niya ito gagamitin para sa kanyang kampanya.


“Hinding-hindi ko po gagamitin ang pagpo-propose, ang pagpapakasal, para lang sumikat ngayong eleksiyon. Kung mangyayari ‘yan, pagkatapos po ng eleksiyon na ‘to.


“Ayoko pong gamitin si Rhian bilang artista, ‘yung kanyang kasikatan, dito sa laban na ‘to as much as possible. Kung mangyayari man po ‘yan, pagkatapos na po ng eleksiyon,” pahayag ng Manila mayoralty candidate.


Ayon pa kay SV, hindi lang niya ideal woman si Rhian kundi ‘dream woman’ pa.

“Lagi kong sinasabi sa kanya. Hindi lang sa kagandahan ‘yan, ha, sa pisikal. Ipinagyayabang ko palagi, sobrang talino ni Rhian,” pagmamalaki ni Sam sa girlfriend.


“At napakabusilak ng puso. Sa kanya nga ako humihingi ng mga advice, eh,” dagdag pa niya.

Naikuwento nga rin ni SV na noong bago pa lang ang kanilang relasyon ni Rhian ay may pangarap silang dalawa na magtayo ng isang sustainable village.


“‘Yung plano namin na ‘pag tumanda kami, gusto naming magtayo ng isang komunidad na ang tawag ko nga, sustainable village. Na magtatayo kami ng isang komunidad, nandu’n na ‘yung pag-aaral, eskuwelahan, palengke, livelihood at nandu’n na rin ‘yung ospital. All working, sustainable,” pahayag ni SV.


“Ngayon lang ako nakakita ng ganu’n na pareho kami ng pangarap sa buhay pagtanda. At nakakatuwa na itong pinapangarap namin na sustainable village, akala ko nga, gagawin ko sa ibang lugar, ‘yun pala, sa Manila namin ‘to gagawin. Kung mabibigyan po tayo ng pagkakataon,” saad pa ng boyfriend ni Rhian Ramos.


 

NGAYONG tag-init, maraming biyaheros ang nagbabalak na namnamin ang summer heat sa travel destinations sa labas ng Metro Manila. Dahil support ang team ng Biyahe ni Drew (BND) sa exciting travel adventures, sisiguraduhin nilang ligtas at masaya ang paglalakbay ng mga Kapuso sa pamamagitan ng Bantay Biyahe Summer 2025.


Sa mga bibiyahe ngayong April 16 (Wednesday) at April 20 (Sunday), mag-stop over muna sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula 9 AM hanggang 5 PM bago magpunta sa inyong travel destination. Hatid ng Bantay Biyahe Summer 2025 ang libreng check-up at exciting games at giveaways, pati na rin massage at videoke.



תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page