top of page
Search

Sa mga todo-tutol sa kanila ni Charlie… CARLO: ‘WAG KAYONG MAKIALAM SA BUHAY NG MAY BUHAY!

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 9, 2023




Nag-post si Carlo Aquino sa kanyang IG account ng quote tungkol sa pakikialam sa personal na buhay ng iba.


"Don't involve yourself in other people's personal lives – Corleone #ShotMoNaJosh @joshenvahnlee," ang post ng actor.


Ang may akda ng quote na ipinost ni Carlo ay ang karakter sa classic novel na The Godfather na may family name na Corleone.


Ang tanong, kanino o sino kaya ang pinatutungkulan ni Carlo?


Inamin na kasi ni Carlo na nagde-date na sila ni Charlie Dizon. Marami ang may disgusto sa aktor na pakiwari nila ay lolokohin lang ang young actress at saka biglang iiwan tulad ng ginawa sa mga ex niyang sina Angelica Panganiban at Trina Candaza.


Well, kung naiirita si Carlo sa mga nakikisawsaw sa namamagitan sa kanila ngayon ni Charlie, eh, di ‘wag na lang siyang mag-post ng pictures nila sa socmed o kaya, ‘wag silang magpakita sa publiko na magkasama.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page