ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 21, 2021
Hindi na nakapagpigil si Jake Zyrus at naglabas na ng kanyang sama ng loob sa mga taong ikinukumpara siya sa dati niyang pagkataong si Charice Pempengco.
May bagong single kasi si Jake, ang Fix Me mula sa Star Music at out na ang music video nito sa YouTube.
Sa comment section ng music video ay may mga nagkomento na nami-miss nila si Charice.
“Nakaka-miss si Charice. Huhu. I miss your music," sey ng isang netizen.
"Hala, nagbabalik na siya. I hear Charice's voice. Yesss. Pagpupuyatan ko na naman siya sa mga songs niya," komento naman ng isang fan.
Obviously ay hindi ito nagustuhan ni Jake kaya naman naglabas siya sa kanyang Instagram Story ng mahabang rant tungkol dito at sa galit nga ay ilang beses siyang napamura ng “MF” o mother f*cker.
"I don't care if you want to listen to my Charice songs all damn day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you dumbass MF, boses ko pa rin 'yon. Nag-transition lang.
"Sabi ko, 'wag na patulan mga ganu'ng tao kasi nagiging feeling na, pero hindi, kasi bastos na talaga ang iba. Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman 'yun.
“Pero para ipangalandakan mo na 'Charice is coming back', and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me.
"Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled,” ang simula ng litanya ni Jake.
Dagdag pa ng singer na ngayon ay transman na, noon pa raw ay hindi siya komportable na binabanggit lagi sa kanya ng netizens si Charice.
"I've done some interviews where I'd say okay lang kahit sinasabi nilang nami-miss nila si Charice or sayang mga nangyari before and I'd just awkwardly smile and take it just because I wanted to please these MFs.
“Nakakalito na nga interviews ko, para kahit papa'no 'di masyado problematic at medyo pasok pa rin sa 'nyetang standards ng karamihan.
"I am not MF okay with this. Kasi the more na sinasabi kong 'Ah, oo, okay lang 'yun,' okay lang na nagkakamali silang tinatawag akong Charice or okay lang na tanggap nila ako as Jake, pero mas gusto nila ako pre-transitioned, the more na nagiging kampante ang ignoranteng palaka na bastusin kung ano ang naging desisyon ko sa buhay ko.
"Lagi na lang ako nag-iisip kung anong sasabihin ko sa mga interviews para balance lang ang maisip ng mga tao at para 'di sila ma-trigger at sabihin na wala akong utang na loob or the 'Kung 'di dahil sa amin or akin mentality'.
"Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na 'to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko, eh, mayabang at masama ang ugali ko, so be it.
"I know my MF heart. Bring it on,” aniya.
Kaya naman sobra raw ang respeto niya sa mga taong inirerespeto ang nakaraan at kasalukuyan niyang pagkatao at sey pa niya, "Hindi 'yung respeto sa nakaraan, bastusin ang kasalukuyan.”
Mensahe pa ng singer sa taong nang-insulto sa kanya, "Ayusin mo opinyon mo. Ay, hindi pala opinyon 'yan, insulto 'yan. Ignorante ka nga pala.”
He added, "Prepare ko sarili ko sa ibang sasabihing sila pa mabu-bully. LOL. Really tho, bless your hearts. Full of hate, convincing yourselves na tama ka just because sa mata ng tao normal ka? LUL. This goes out to some LGBTQ+ na bashers ko rin. Sa totoo lang tayo. 'Di talaga sa labels 'yan. Ugali ng tao talaga 'yan."
Bilang pangwakas ay nagpasalamat si Jake sa mga taong sumusuporta at rumerespeto sa kanya. May mensahe rin siya sa mga taong umaasa na magsusuot pa siya ng gown.
"Salamat sa mga inirerespeto ang mga nagawa ko before at nagagawa ko ngayon. Salamat kung naririnig n'yo (si) Charice (sa) voice ko, yet naa-appreciate din ang boses ko ngayon. Salamat sa mga nandiyan dahil sa mga nagagawa ko ngayon.
“P*kyu naman sa mga nandiyan lang dahil umaasang magga-gown ulit ako.
“Love you guys!”
Comments