top of page
Search
BULGAR

Sa mga naging presidente, si PBBM ang madalas ‘mang-unggoy’ sa mga Pinoy

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Dec. 29, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PARANG SINABI NI CONG. JOEY SALCEDA NA ‘NGANGA’ ANG MARCOS ADMIN SA PAMAMAYAGPAG NG RICE CARTELS SA ‘PINAS -- Sinabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na posible raw bumaba ng hanggang P6 ang per kilo ng bigas kung magpapairal agad ng anti-hoarding measures ang pamahalaan.


Kumbaga, para na rin sinabi ni Salceda na “nganga” ang Marcos administration sa pagsugpo sa patuloy na pamamayagpag ng mga rice cartels na naghu-hoard ng bigas sa bansa, period!


XXX


90% NG PINOY BAD ANG NAGING PAMUMUHAY NGAYONG 2024 SA ILALIM NG MARCOS ADMIN, KAYA ASA SILANG NEXT YEAR GAGANDA NA ANG BUHAY -- Base sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) ay 90% daw ng mga Pinoy ang umaasa na magiging mabuti ang kanilang pamumuhay next year o sa 2025.


Dahil umaasa sila na bubuti ang pamumuhay nila sa susunod na taon, ibig sabihin niyan ngayong year 2024 ay bad ang naging pamumuhay ng 90% Pinoy sa ilalim ng Marcos admin, boom!


XXX


SA MGA NAGING PRESIDENTE, SI PBBM ANG MADALAS ‘MANG-UNGGOY’ SA MGA PINOY -- Sa mga naging presidente ng ‘Pinas, si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang madalas magpalabas ng statement na “pang-uunggoy” sa mamamayan.


Sabi niya noon, kapag naging presidente raw siya, ibabangon niya sa kahirapan ang mamamayan, pero sa resulta nga ng survey ng SWS ay lumalabas na 90% ng mga Pinoy ang naghihirap at nangangarap na lang na gumanda ang pamumuhay nila next year.


Gagawin din daw niyang P20 per kilo ng bigas, pero hindi ito nagkaroon ng katuparan at sa halip lalo pang tumaas ang presyo ng bigas. Susugpuin daw niya ang mga agri-smuggler at rice cartels, pero hanggang ngayon kahit isang agri-smuggler o rice cartel wala pang nahuhuli at naipapakulong ang pamahalaan. Kesyo ang Paskong Pilipino raw ang pinakamasayang Christmas sa mundo gayong ang daming nag-Paskong tuyo sa sobrang mahal ng presyo ng mga produktong pagkain, at ang latest na pang-uunggoy ay mas dadami raw ang serbisyong ihahatid ng PhilHealth sa publiko gayong inaprub niya ang zero subsidy sa ahensyang ito ng pamahalaan, tsk!


XXX


PARAMI NANG PARAMI ANG MGA BOBOTANTE KASI GUSTONG IBOTO ANG MGA PARTYLIST NG MGA ‘KAMAG-ANAK INC’ -- Sa latest survey na inilabas ng Pulse Asia ay pasok sa top 50 ang karamihan sa mga partylist na ang mga nominado ay mga mula sa political dynasty o “Kamag-anak Inc.”


Kung hanggang sa pagsapit ng eleksyon next year ay ‘yang sangkaterbang partylist ng mga “Kamag-anak Inc.” ang magwawagi sa halalan, isa lang ang ibig sabihin niyan, parami nang parami ang mga bobotante sa ‘Pinas, tsk!



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page