top of page

Sa mga may ganap d'yan, read n'yo na... Safety tips sa gabi ng undas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 1, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 01, 2020




Ang araw ng Undas ay panahon ng gumagalang kaluluwa, multo, mga maskara at pamimigay ng kendi para sa tradisyunal na trick or treat ng mga bata. May halong kasiyahan at lungkot maging ang mapaggunitang oras sa buhay ng mga bata at matatanda para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Bagamat may pandemya at kailangan ng ibayong pag-iingat na hindi mahawahan ng COVID-19, maging maingat din upang matiyak na hindi maging aktuwal na kahindik-hindik ang ating gabi kumpara sa mga napapanood nating horror movies.

Ang kaligtasan ang dapat na unang pakaisipin at hindi dapat na balewalain. Ang trick or treat at pangangaluwa ay isang nakakaaliw na paraan para gunitain ang Undas, kaya dapat malayo tayo sa anumang peligro. Pero hindi natin tiyak kung may gagawa pa niyan sa panahon ngayon dahil mahirap na rin ang maglalabas ng bahay at makisalamuha dahil sa banta ng pandemya.

Heto ang mga hakbang na kailangan upang tayo ay higit na maging ligtas kung nais pa rin nating gunitain ang Halloween.

1. HUWAG MAGSUOT NG DARK COSTUMES. Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat isaisip kung tayo ay naglalakad ay iyong nakikita tayo sa gabi. Ang mga costumes ng mga mangkukulam, madyikero at serial killer ay sobrang nakakatakot at bagamat ayos lamang sa okasyon, pero ang problema ay itim kasi sila.


Kung kailangang magsuot ng itim na damit o black costume, maglagay ng reflective tape sa likod mo at sa iyong candy sack. Mainam ang may reflectorize na bagay sa katawan para agad kang makita ng mga motorista.


2. MAGDALA NG FLASHLIGHT. Ang ilang bagay ay may madilim na daanan. Delikado ring maglalakad sa sobrang dilim na lugar. Mainam na may flashlight pa rin para makita ang daraanan lalo na sa sementeryo at baka may malalaking butas diyan o hukay ay mahulog pa kayo. At least makikita rin kayo ng ibang tao kapag may flashlight.


3.IWASAN ANG MGA MADIDILIM NA BAGAY. Kapag walang ilaw palagi ang isang bahay, siguradong wala nang nakatira riyan o kaya naman kapag ang ilaw ng isang bahay ay laging malamlam, malamang ayaw ng nakatira roon na mabisita ng trick o treaters o kaya’y maawitan ng mga nangangaluluwa. Tutal marami pa namang bahay, huwag na kayo diyang kumatok.


4.LUMABAS NANG MAY KASAMA KAHIT PAANO. At dahil bawal ang maramihang magkakasama, kahit dalawa kayo at least malayo ka sa anumang panganib. Kahit paano ay hindi ka malalapitan ng masasamang elemento, mas madali kayong makita, mas maingay kayo at at may kakampi ka. Ang masasamang bagay ay aktuwal nangyayari tuwing Undas at ang paglalakad na mag-isa o kahit dalawa lang kayo o tatlo ay peligroso pa rin.


5. INSPEKSIYUNIN ANG LAHAT NG KENDI BAGO KAININ. Dapat na tsekin munang mabuti ng mga nanay ang kending kinolekta ng mga bata at sabihan ang mga anak na huwag kakanin ang kendi habang hindi pa naipakikita at nalilinis ng mga magulang.


6. BAKA PUWEDENG VIRTUAL ONLINE NA LAMANG GAWIN ANG PAGTI-TRICK OR TREAT. Bawal pa kasing lumabas ang mga batang maliliit. Puwedeng ipadeliber na lang ang maiaabot sa kanilang mga candy o cash.


7. MAGSUOT NG MATINGKAD NA DAMIT O KUNG WALA KA MANG REFLECTORIZE TAPE. Kung maaari ay matitingkad na kulay ng damit ang dapat na maging damit o costumes. Ito’y para mas madali kayong makita ng mga motorista at mas maging komportable sila sa kanilang paglalakad at pagsusuot nito.

8.MAGLAKAD AT HUWAG TATAKBO KAPAG NAGTI-TRICK OR TREAT. Hindi ka dapat na tumakbo ang lalo na kung gabi. Ang Halloween ay tradisyonal na nakaka-excite na oras para sa mga bata dahil nasisiyahan sila na naka-costume at nagbabahay-bahay, pero ngayon ay bawal pa talaga.


9.DAHAN-DAHAN ANG PAGMAMANEHO. Marami ang naka-costume ng mga araw na ito kaya ingat sa pagmamaneho lalo na kung naka-itim ang tao sa kalye para maiwasan na sila ay madisgrasya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page