ni Nitz Miralles @Bida | July 11, 2024
Kahit anong pag-iingat, nasusundan pa rin talaga kapag nagde-date sina Kyline Alcantara at Kobe Paras at hindi na rin nila kailangang magtago dahil recorded ang paglabas nila.
Gaya na lang nitong huling dinner date ng young lovers, nalaman agad na sa Toyo Eatery sa Makati sila nagpunta.
Sabagay, itinag ni Kyline ang Toyo Eatery kaya nalaman kung saang resto sila kumain. Si Kobe naman, itinag ang ceramic plate na signature ng resto.
Ipinost din ng dalawa ang kanilang in-order na may fish, prawn at iba pa. Wala silang picture na ipinost at ang makikita lang ay ang kamay ni Kyline na may suot na ring.
Tanong ng mga fans kung bigay daw ba ni Kobe ang suot na singsing ng Kapuso actress na nagbabalik sa pagiging kontrabida sa Shining Inheritance ng GMA-7.
Pinansin ng mga netizens na sa mga bigating resto dinadala ni Kobe si Kyline. Bago sa Toyo Eatery na laging kasama sa Asia’s Top 50 restaurants, nakita rin silang nag-dine sa isang top resto sa BGC.
Anyway, malapit na ang GMA Gala 2024, sa July 24 na, at malalaman na kung totoong solo na darating sa event si Kyline o kasama niya si Kobe.
NAHULI ng camera sina Marian Rivera at Kathryn Bernardo na nagtsitsikahan sa awarding ng Century Tuna Superbods Finals Night.
Dahil hindi dinig sa TikTok ang naging usapan ng dalawa, ang hula na lang ng mga fans, baka tinukso ni Marian si Kathryn kay Alden Richards na close rin kay Marian.
O, baka naman biniro ni Marian si Kathryn sa sexy production number nito at sa sexy red gown na kanyang suot that night.
Napapansin ng mga fans ni Kathryn na favorite niya ngayon ang backless gown na makikita ang flawless niyang likod.
Ang saya nina Marian at Kathryn sa pagkikita nilang ‘yun at nagbulungan pa at talagang humalakhak ang dalawa sa kanilang tsikahan. Nakatingin lang sa kanila sina Pia Wurtzbach, Aga Muhlach at Richard Gomez.
Samantala, naaliw din siguro si Marian na nag-trending siya sa X (formerly Twitter), kaya nai-share nito sa kanyang Instagram (IG) Stories ang screenshot ng name niya na nasa trending list.
Nag-trending si Marian dahil sa sagot niya sa isang male contestant sa Century Tuna Superbods na nag-request na in English siya tanungin ng aktres.
Sagot ni Marian na kinatuwaan ng audience, “I will try my best. Are you ready for this? Listen very carefully. Here’s my question,” saka tinanong ang contestant in English.
Still on Marian, sunud-sunod ang ganap nito dahil pagkatapos ng 7th EDDYS, nag-judge siya sa Century Tuna Superbods. Kahapon, nasa presscon naman siya ng Cinemalaya kung saan isa sa mga entries ang movie niyang Balota na produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group sa direksiyon ni Kip Oebanda.
Comentários