ni Jasmin Joy Evangelista | January 12, 2022
Nakatakdang simulan sa January 31, 2022 ang Phase 2 implementation ng limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).
Sa isang pahayag, sinabi ng CHED na ang mga higher education institutions (HEIs), base sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, ay puwede nang simulan ang limited in-person classes anytime.
Pinaalalahanan din ng CHED ang HEIs na siguruhing nasusunod ang health and safety protocols sa sandalling magbukas ang limited face-to-face classes.
"Application to CHED is not a requirement for the conduct of the limited face-to-face classes," pahayag nito.
"HEIs intending to hold limited face-to-face classes during the COVID-19 pandemic must be willing to assume the responsibilities for the reopening of their campuses based on their capability to comply with the health and safety protocols, to retrofit their facilities, and to get the support of their stakeholders," dagdag pa nito.
Samantala, ang preventive suspension ng face-to-face classes ay ibabase sa assessment at desisyon ng Crisis Management Committee (CMC) ng HEI at sa konsultasyon nito sa Local Task Force against COVID-19.
Sa ilalim ng guidelines ng CHED, tanging mga fully-vaccinated students, at teaching and non-teaching personnel ay pinapayagang mag-participate sa limited face-to-face classes na nagsimula noong Disyembre.
Comments