top of page
Search
BULGAR

Sa mga laging puyat d’yan... alam na! kangkong, epektib na pampatulog

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 5, 2020




Ang kangkong.


Sa lahat ng gulay, kangkong ang mabili sa lahat at araw-araw itong nauubos sa maraming pamilihan. Ang nakakagulat pa, ito ang gulay na may pinakamaraming tinderang nagbebenta.


Kumbaga, ang kangkong ay hindi lang in na in sa mga tao kundi pati sa mga tindera at tindero dahil alam nila na ang kanilang panindang kangkong ay mauubos agad bago sumapit ang hapon.


Kaya ang kangkong sa mga palengke ay laging bago, walang luma lahat ay bagong dating mula sa mga suppliers.


Alam n’yo ba na ang kangkong na nabibili sa lahat ng palengke ay Chinese kangkong?Mayroon ding native na kangkong, kaya lang, nang dumating ang Chinese kangkong, hindi na nabibili ang native na kangkong dahil mas malambot at masarap ito kaysa sa native na matigas at makunat ang tangkay at dahon.


Sinasabing sa Marikina River nagmula ang napakaraming kangkong kung saan halos mapuno ang ilog at wala nang matamnan, gayundin, ipinagbabawal na ng ibang residente ang pagtatanim nito kaya dinala ito ng mga nagtatanim sa iba pang karatig-ilog at ngayon, halos lahat ng ilog sa Central Luzon ay ginagawa nang taniman ng kangkong.


Wala pang ganitong klase ng gulay sa kasaysayan ng paghahalaman na ang suplay ay nanggagaling sa kung saan-saang probinsiya at rehiyon. Dahil dito, marami ang nagsasabi na ang kangkong ang pambansang gulay.


Alam n’yo ba na hindi lang sa sahog sa ulam ginagamit ang kangkong? Ito rin ay tradisyunal na gamit sa panggagamot sa larangan ng herbal medicine.

  • Ang kangkong buds ay dinidikdik at inilalagay sa balat bilang panggamot laban sa ringworms at athlete’s foot.

  • Ginagamit din ito para sa nalason. Para maisuka ang lason, kailangang kainin ng katas ng kangkong.

  • Gamit din sa lagnat ang kangkong juice dahil napapababa nito ang temperatura ng katawan.

  • Ang pinakakulang kangkong ay gamit sa hindi madumi dahil sa matigas na dumi sa tiyan.

  • Kaya ring tanggalin ng katas ng kangkong ang mga bulate sa tiyan.

  • May kakayahan din ang kangkong na lunasan ang paninilaw ng balat ng tao mula sa sakit na jaundice at mula sa sakit sa liver.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang kangkong bilang panlunas sa mga buntis na may diabetes. Maganda ang resulta ng pag-aaral pero hinihintay pang ganap na maideklara na ang kangkong ay halamang gamot na panlaban sa diabetes sa mga buntis.


DAGDAG-KAALAMAN:

Hindi ka makatulog? Tulog ka nga pero mababaw ang iyong tulog? Tapos na ang iyong problema dahil ang pagkain ng kangkong ay nagbibigay ng masarap na tulog kung saan madarama mong relax na relax ka sa paggising mo sa umaga.

Good luck!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page