ni Jasmin Joy Evangelista | September 10, 2021
Patuloy na kumakalat sa social media ang video clip ni Presidential Spokesperson Harry Roque na galit na galit sa isang grupo ng mga doktor sa gitna ng Zoom meeting ng IATF noong Martes.
Sa naturang pulong umano ay hinarang ng Philippine College of Physicians ang plano ng IATF na paluwagin ang quarantine restrictions sa Metro Manila dahil mataas pa rin ang COVID cases.
Dito na umano rumesbak si Roque dahil hindi raw nakikita ng grupo ang mga ginagawa ng pamahalaan para labanan ang virus.
“We employed the ‘entire government approach’ thinking about economic ramifications, thinking about the people (who) will go hungry. It does not mean that we care any less,” pagalit na sabi ni Roque sa kumalat na video clip.
“And let me point out to everyone, this group, they have never said anything good about the government response,” dugtong pa niya.
Ayon sa ulat, tinangka pa umano siyang pakalmahin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ngunit ‘di raw nagpaawat ang tagapagsalita.
Sa oras ng paglalathala nito ay hindi pa sumasagot si Roque hinggil sa isyu.
Comments