ni Lolet Abania | October 23, 2021
Ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang Halloween at Christmas parties ay pinapayagan, kung gagawin ang naturang mga gatherings sa loob ng tinatawag na “bubble of their families.”
“Mass gatherings are still prohibited, [but those taking place] within the bubble of the family are allowed, but safety protocols needed to be implemented,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing ngayong Sabado.
Ayon kay Vergeire, dapat na iwasan din ng lahat na nasa loob ng 3Cs (closed, crowded, close-contact) na mga lugar.
“I-recognize natin ‘yan na ‘yan po ang mga pinakamagbibigay ng impeksiyon sa pamilya,” sabi ng kalihim na aniya pa, kailangang isagawa ang mga health protocols kahit na outdoor gatherings.
“Kung merong may sintomas, huwag na muna tayong mag-attend ng mga ganitong party,” pahayag ni Vergeire.
Gayundin, paalala ng DOH sa mga 2022 political aspirants na magpatupad ng mga safety protocols sa kanilang mga gagawing pangangampanya.
“Paalala naman po sa ating local governments, alam naman po natin at naiintindihan natin na nagkakampanya na tayo. Sana tayo na po ang magkaroon ng responsibilidad na magkaroon ng ganitong safety protocols during our campaign period,” paliwanag ni Vergeire.
Ang Metro Manila ay unang isinailalim sa Alert Level 4 noong Setyembre 16 hanggang Oktubre 15, at ibinaba sa mas relax na Alert Level 3 mula Oktubre 16 hanggang 31.
Comentarios