ni Lolet Abania | December 3, 2021
Ipinahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Biyernes na ang in-person Christmas parties ay papayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 , subalit dapat pa ring sumunod sa mga health protocols at limitado ito sa 50% venue capacity.
“In Alert Level 2 areas, it is allowed at 50% venue capacity, and additional 10% if the venue has a safety seal, minimum public health standards such as wearing of face mask, social distancing, should be strictly observed, too,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa briefing.
“If these Christmas parties violate these, then the safety seal will be revoked and the business permit of the establishment will be suspended,” dagdag ni Malaya.
Ang Metro Manila ay nananatili pa rin sa Alert Level 2 hanggang Disyembre 15.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ikalawa sa pinakamababa sa bagong ipinatutupad na COVID-19 alert level system, papayagan ang mga establisimyento at mga aktibidad nito sa 50% indoor capacity para sa fully vaccinated na nasa edad na o adults (at minors, kahit hindi pa bakunado) at 70% capacity para naman sa outdoor events.
Comments