top of page
Search
BULGAR

Sa loob ng isang taon.. 850,753 kaso hinawakan ng PAO

ni Madel Moratillo | February 24, 2023



Sa loob lamang ng isang taon o nitong 2022 lamang, aabot sa 850,753 kaso sa buong bansa ang hinawakan ng Public Attorney's Office (PAO).


Batay sa datos, katumbas ito ng 11,729,353 na kliyenteng napagsilbihan. Sa 850,753 kasong hinawakan ng PAO, 86.23% ang nakakuha sila ng paborableng disposition rate sa criminal cases habang sa civil cases naman ay mayroon silang 69.76% favorable dispositions.


Kabilang sa mga kontrobersyal na kasong hawak ngayon ng PAO ay may kaugnayan sa Dengvaxia. Sa tulong ng PAO, naharang din ang implementasyon ng guidelines ng Department of Health na kung hindi payagan ng magulang ay puwedeng ang estado ang magbigay ng consent para bakunahan kontra COVID-19 ang isang batang nasa edad 5 hanggang 11.


Sa tulong din ng PAO, may 87,577 persons deprived of liberty ang nakalaya. Ngayon, ang PAO ay kinatuwang na ng Department of Justice sa pagsisiyasat ng mga PDL na puwede pang mapalaya, bilang bahagi ng jail decongestion program ng pamahalaan.


Dahil naman sa kanyang natatanging serbisyo-publiko, nitong 2022 lang ay tumanggap si PAO Chief Persida Rueda Acosta ng 22 award o pagkilala kasama ang pagiging Hero of the Year.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page