top of page
Search
BULGAR

Sa loob ng 24 oras.. TD Caloy, posibleng lumabas ng PAR — PAGASA

ni Lolet Abania | June 29, 2022



Sa pinakabagong weather update ng PAGASA, nabatid na halos nakapirme o “almost stationary” ang Tropical Depression Caloy sa buong West Philippine Sea, ngayong Miyerkules ng umaga.


Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, si ‘Caloy’ ay nananatiling halos stationary o kumikilos “generally” west northwestward sa buong araw habang pa-northwestward naman ito sa Huwebes hanggang Biyernes ng umaga.


“On Saturday (02 July), ‘CALOY’ will turn north northwestward towards southern portion of China, where it is expected to make landfall,” pahayag ng PAGASA. Batay sa PAGASA, ang TD Caloy ay posibleng lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras, subalit dahil sa kasalukuyang kalikasan ng sirkulasyon nito, ang kanyang track at intensity forecast ani ahensiya, “may still change in the succeeding bulletins.”


Sa ngayon ayon sa PAGASA, ang sentro ni Caloy base sa lahat ng available data, ay tinatayang nasa layong 375 km West ng Iba, Zambales. Habang may maximum sustained winds ng 45 km/h malapit sa center at gustiness ng aabot sa sa 55 km/h.


“The large overall circulation and disorganized structure of ‘CALOY’ suggest a slow pace of intensification in the near term,” saad ng PAGASA. Sa forecast din ng ahensiya, si Caloy ay mananatiling isang tropical depression sa susunod na 48 oras, habang bahagya itong titindi at aabot sa tropical storm category sa Biyernes ng hapon.


Inaasahan na palalakasin ni Caloy ang monsoon trough at ang Southwest Monsoon, kung saan magdudulot ng mga pag-ulan sa buong western sections ng Luzon at Visayas ng Miyerkules.


Ayon pa sa PAGASA, “occasionally gusty conditions reaching strong breeze to near gale in strength are expected over Extreme Northern Luzon, and the western sections of Luzon and Visayas.” “These conditions are more likely in coastal and mountainous/upland localities of these areas,” dagdag ng state weather bureau.


Sinabi rin ng PAGASA, katamtaman hanggang sa maalon na karagatan na aabot sa 3.4 metro ang inaasahan sa buong seaboards ng Northern Luzon at ang western seaboards ng Central at Southern Luzon.


“These conditions may be risky for those using small seacraft. Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” babala naman ng PAGASA.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page