ni Lolet Abania | September 25, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_44c867a24f3a40bca217efc39edf3e2a~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_44c867a24f3a40bca217efc39edf3e2a~mv2.jpg)
Awtomatikong na ngayong kanselado ang mga klase mula Kindergarten hanggang Grade 12, gayundin ang trabaho sa mga pampublikong paaralan sa mga lugar na isinailalim sa anumang public storm signals, batay sa updated order na inilabas ng Department of Education (DepEd).
Base sa revised DepEd Order (DO) 37, na nilagdaan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, sa panahon ng mga bagyo, ang mga in-person at online classes, trabaho, at Alternative Learning System (ALS) ay suspendido sa mga paaralan na matatagpuan sa mga lugar kung saan ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) 1, 2 ,3, 4, o 5 ay itinaas ng PAGASA.
Sa ngayon, ang TCWS 1 hanggang 5 ay itinaas na sa maraming lugar sa bansa dahil ito sa Super Typhoon Karding.
Sinabi naman ng DepEd na ang mga klase at trabaho ay suspendido rin sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga paaralan na matatagpuan sa mga lugar na isinailalim sa Orange o Red Rainfall Warning, o Flood Warning mula sa PAGASA.
Ayon din sa ahensiya, ang mga local chief executives ay maaaring magdesisyon hinggil sa class suspensions kung ang kanilang local government unit (LGU) ay isinailalim sa Yellow Rainfall Warning mula sa state weather bureau.
Batay pa sa DepEd, “DO 37 also mandates that if the TCWS, Rainfall Warning, or Flood Warning was issued when classes have already begun, schools shall immediately suspend classes and work, and send everyone home, if it is safe to do so.”
Gayunman, ang pamunuan ng mga paaralan ay obligado na panatilihin sa loob ang mga estudyante at personnel kung ang kanilang pagbibiyahe ay magiging mapanganib para sa kanila.
Sinabi pa ng DepEd, “Local chief executives are likewise given the authority to decide on the suspension of classes in cases where there are strong winds, torrential rains, or floods in specific or all areas of the LGU, but are not covered by any of the PAGASA warning.
Comments