Sa laban sa Saudi Arabia… Gilas Pilipinas, nagbigay karangalan sa bansa – P-BBM
- BULGAR
- Aug 30, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 30, 2022

Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Gilas Pilipinas sa kanilang tagumpay laban sa Saudi Arabia sa ginanap na 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Lunes ng gabi.
Si Pangulong Marcos ay nanood mismo ng laro, kung saan dumating siya na nasa third quarter na sa lugar. Ito ang unang beses na manood sa national team ng live sa venue sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Binabati natin ang Gilas Pilipinas sa kanilang panalo laban sa koponan ng Saudi Arabia sa naganap na FIBA World Cup Asian Qualifiers Game kagabi,” pahayag ni Pangulong Marcos sa isang tweet ngayong Martes.
“Kumpiyansa tayo na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para makapagdala ng karangalan sa bansa,” dagdag ng Pangulo.
Tinalo ng Philippine team ang Saudi Arabia, kung saan nakapag-tally si Jordan Clarkson ng kabuuang 23 points, nasa 17 points naman sa first half pa lamang. Pinangunahan ni Clarkson ang offensive para sa national squad.
Habang si Kai Sotto ay nakapag-post ng isang double-double ng 16 points at 13 rebounds na sinundan ng four blocks upang mapagwagian ang laban.
Comentarios