ni Mary Gutierrez Almirañez | June 1, 2021
Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nagsisinungaling ang gobyerno pagdating sa totoong kalagayan ng lumalaganap na pandemya sa bansa, batay sa kanyang public address kagabi, May 31.
Aniya, "Ngayon, sinasabi ko, I am giving you the guarantee na hindi kami magsinungaling at hindi kami magtimpla-timpla ng totoo para lumabas ang ganda. We have no business lying to you. Wala akong obligasyon na magsinungaling sa bayan ko. Bayan ko rin ito. At bakit ako magsinungaling, eh, para man ito sa lahat."
Dagdag niya, “Sinasabi ko sa inyo, iyong lahat ng lumalabas dito, ‘yung katotohanan. Kung ayaw ninyong maniwala, pero ang sabi ko sa inyo, huwag kayong maniwala diyan sa mga oposisyon, ‘yung mga dilawan, kasi ang lumalabas na lang nila is naghahanap ng mali maski wala at kung mayroon man, eh, nako-correct kaagad ‘yan. Pero kung makinig kayo sa lahat ng istorya nila, sa narrative nila sa pang-araw-araw ng buhay ng Pilipino, eh, talagang malilito kayo."
Matatandaan namang madalas napupuna ang pangulo hinggil sa pabagu-bagong timpla ng kanyang ugali, kung saan hindi na rin malaman kung kailan siya nagseseryoso at nagbibiro.
Kabilang si Vice-President Leni Robredo sa mahilig magbigay ng opinyon at madalas pumuna sa pagkukulang ng gobyerno laban sa COVID-19.
Commenti