top of page
Search
BULGAR

Sa kapalpakan sa show ng BINI at SB19… BILLBOARD PH 100: MOVE ON NA LANG

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 19, 2024



Photo: BINI at SB19 - Billboard Philippines


Marami ang nagtatanong sa inilabas na statement ng Billboard PH 100 hinggil sa technical difficulty na naganap sa kanilang event.


Ipinagmalaki kasi nilang sa 33 OPM artists na nag-perform ay bukod-tanging ang mga grupong BINI at SB19 ang nakaranas ng naturang technical problem. 


Nawalan ng sound o audio ang ginamit na microphones ng parehong grupo kaya raw tuloy nabuking na hindi pala lahat ng kinakanta ng BINI ay live dahil may plus one nga umanong tumugtog, gayung wala namang sound ang mga mikropono nila.


Tapos, may isyu pang ultimo ‘yung ilaw ay pawala-wala nu’ng ang SB19 naman ang nagpe-perform.


Kaya inabot ng matinding bashing ang Billboard PH 100 na naglabas nga ng statement na mag-move on at mag-move forward na lang ang lahat without explaining kung bakit sa dalawang sikat na sikat na pop group lang naganap ang naturang technical error?


 

MARAMING manonood at mga netizens ang humahanga sa acting nina Ashley Ortega (Sister Manuela) at Rochelle Pangilinan (Tiya Amalia) sa Kapuso primetime series na Pulang Araw (PA), lalo pa nga’t magkakasunod ang mabibigat nilang eksena bilang comfort women.


Ani Ashley sa kanyang Instagram (IG) post, “Alam ko pong ang hirap panoorin pero mahalaga sa amin na isalaysay sa ating mga kababayan ang pinagdaanan ng ating mga comfort women noong panahon ng pagsakop ng mga Hapon. Oras nang marinig at malaman ang kanilang istorya”.


Komento ng isang netizen sa official Facebook (FB) page ng GMA News (as is), “Apaka galing ninyo Miss Ashley and Miss Rochelle. Grabe, bawat bitaw ng linya grabe, grabe…”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page