top of page
Search
  • BULGAR

Sa kanilang 4 nina Vilma at Manoy Eddie… LEA: DOLPHY, MAS MAY 'K' MAGING NATIONAL ARTIST

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Sep. 25, 2024



Showbiz News

Apat na personalidad ang nasa top choice upang hirangin na National Artist — si Vilma Santos, ang yumaong Comedy King na si Dolphy, ang yumaong veteran actor na si Eddie Garcia, at ang sumikat sa Broadway musical play na si Lea Salonga. 


All-out ang suporta ng libu-libong Vilmanians upang ganap na maideklarang National Artist ang Star for All Seasons. Pagkatapos mapili ang Superstar na si Nora Aunor, deserve naman na sumunod si Ate Vi bilang National Artist. 


Pero para naman kay Lea, truly deserving at napapanahon nang gawaran ng titulong National Artist ang yumaong Comedy King na si Dolphy.


Mas karapat-dapat si Dolphy na parangalang National Artist dahil sa mga naiambag nito sa movie industry. 


Isang icon si Dolphy na mahigit anim na dekada ang ginugol sa showbiz. Maraming moviegoers ang kanyang pinasaya dahil sa mga comedy movies na kanyang ginawa. ‘Yun ang hindi malilimutan ng lahat na alaala ni Dolphy.


 

GALIT na galit ang mga fans ni Andi Eigenmann sa mga bashers na nanlait sa anak ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose. 


Tinawag naman kasing “dugyot” si Andi ng ilang bashers na dismayado sa hitsura niya ngayon. Hindi na raw kasi nag-aayos si Andi simula nang manirahan sa Siargao at naging islander. Hindi na raw mababakas ang ganda ni Andi bilang artista. Hindi na rin nito inaalagaan ang kanyang kutis, kaya sunog na ang kanyang balat at puno ng pekas.


Minsan daw ay nakayapak lang si Andi kapag nasa kanyang coffee shop sa Siargao. 

Depensa naman ng mga fans ni Andi Eigenmann, malapit sa beach ang bahay nina Andi at Philmar Alipayo, at hindi naman kailangan ni Andi na mag-makeup pa at magbihis at magsuot ng magagandang damit.


Masaya na si Andi sa simpleng buhay sa isla kasama ang kanyang mga anak. Hindi na siya artista, kaya nagagawa niya kung ano ang gusto niyang lifestyle. 


At hindi porke hindi nagme-makeup ay dugyot na si Andi Eigenmann. Natural na natural ang kanyang ganda, kahit na puno ng pekas at sunog ang kutis niya.


 

INAMIN ni Tom Rodriguez na may love life siya ngayon, pero ayaw niyang isapubliko kung ano ang pagkatao ng bago niyang inspirasyon. 


Mas gugustuhin daw niyang maging pribado ang kanyang buhay-pag-ibig upang hindi ito pagpiyestahan ng media. 


Kaya walang ideya ang lahat kung non-showbiz ba ang ipinalit ni Tom sa ex-wife niyang si Carla Abellana. 


Anyway, maayos na ang lahat ng legal papers sa paghihiwalay sa kanilang kasal. Pareho na silang malaya ngayon at ganap nang makaka-move on. 


Ayon na rin kay Carla, wala nang hatred at bitterness sa kanyang puso. Tanggap na niya ang kinahinatnan ng kanilang marriage.


Ganunpaman, hindi pa pormal na nagkakausap sina Carla at Tom upang ganap na magkaroon ng closure ang kanilang relasyon. 


Samantala, kalmado na si Tom sa kanyang pagbabalik sa pag-arte. Tinatapos pa niya ang kanyang kontrata sa GMA Network at may guesting siya sa afternoon soap na Lilet Matias: Attorney at Law. Gaganap siya sa karakter na magiging bahagi ng major cast. 


 

KAPUSO pa rin daw si Jennylyn Mercado at hinihintay na lang ang pormal na pagpirma ng kontrata sa GMA-7. 


Kaya walang dapat ipangamba ang mga fans ni Jen dahil hindi ito lilipat sa Kapamilya o sa TV5, tulad ng mga naunang nabalita.


Twenty years nang tahanan ni Jennylyn ang GMA Network. Ang pagsali niya sa StarStruck 1 talent search show ang naging daan sa pagpasok niya sa showbiz. Siya ang itinanghal na female Big Winner at naging love team niya noon si Mark Herras na male Big Winner naman. 


Naging fulfilling naman para kay Jennylyn Mercado ang pananatili niya sa GMA-7 sa loob ng dalawang dekada. Nagbida siya sa ilang serye at nagpatuloy sa pagiging singer.


Nakapareha na rin siya ng ilang magagaling na Kapuso actors. 

Drama ang forte ni Jennylyn Mercado. Huli niyang seryeng nilabasan sa GMA-7 ay ang Love, Die, Repeat (LDR) katambal si Xian Lim. 


Pagdating sa trabaho, very professional si Jennylyn. Hindi siya naging cause of delay at sakit ng ulo ng production.


 

BIRTHDAY ngayon ng isa sa mga most loved actors and senators na si Sen. Bong Revilla, Jr..


Wala mang bonggang selebrasyon ngayong taon si Sen. Bong, gusto naming ipahatid sa kanya ang aming taos-pusong pagbati ng Happy, Happy Birthday, Senator Bong!

Mabuhay ka!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page