ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 17, 2024
MAPAPAHAMAK SI EX-P-DUTERTE SA PAG-WELCOME NI PBBM SA ICC AT INTERPOL -- Matapos kumalas ang Pilipinas sa jurisdiction ng International Criminal Court (ICC) noong May 13, 2019, magmula noon hindi na pinayagan ng noo’y Pres. Rodrigo Duterte ang mga ICC prosecutor at ICC investigators na pumasok sa bansa at nang wala na siya sa poder, mismong si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na ang nagsabi na papayagan niyang magtungo sa ‘Pinas ang mga taga-ICC para magsagawa ng imbestigasyon patungkol sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa panahon ng Duterte administration.
Noon talaga ay may lusot sa kasong crimes against humanity si ex-P-Duterte dahil hindi makapasok sa bansa ang mga taga-ICC, pero ngayon malalagay na sa tagilid ang ex-president kasi kung pagbabasehan ang statement ni PBBM ay tila ang Marcos admin pa ang magpapahamak sa dating pangulo sa kasong kinakaharap nito sa ICC, tsk!
XXX
DAMING PAEK-EK NI PBBM, KAYA LANG NAMAN WELCOME SA KANYA ANG ICC AT INTERPOL KASI GALIT SIYA KAY EX-P-DUTERTE -- Ang daming pakiyeme ni PBBM sa isyung ICC, na kesyo hindi raw babalik ang ‘Pinas sa jurisdiction ng ICC, hindi raw makikipag-cooperate rito (ICC), pero payag naman daw siyang papasukin sa ‘Pinas ang mga ICC prosecutors at investigators, at hindi naman daw hahadlangan ng kanyang administrasyon ang International Criminal Police Organization (Interpol) kapag may dala itong warrant of arrest para dakpin ang ex-president at iba pang may kaso sa ICC.
Daming paek-ek ni PBBM, eh hindi pa niya sabihin ang totoo na kaya welcome sa kanyang administrasyon na pumasok sa ‘Pinas ang ICC at Interpol ay dahil galit siya kay ex-P-Duterte sa statement nitong durugista raw siya, period!
xxx
NAGTUNGO SI VP SARA SA QUADCOMM HEARING PARA SUPORTAHAN ANG AMA AT HINDI PARA TUMANGGAP NG LETTER INVITATION – Kawalang galang sa Office of the Vice President (OVP) ang ginawa ng Kamara nang ibigay mismo kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang imbitasyon ng House Committee on Good Governance and Public Accountability habang nagpapakita ng morale support ang bise presidente sa ama niyang si ex-P-Duterte na iniimbestigahan naman ng House Quad Committee noong Nov. 13, 2024 patungkol sa isyung extrajudicial killings (EJK).
May sariling opisina naman si VP Sara, sana sa OVP dinala ang imbitasyon at hindi personal na iniabot kasi kaya nagtungo ang bise presidente roon para magpakita ng suporta sa ama at hindi para tumanggap ng invitation letter, period!
XXX
NUISANCE CANDIDATES ANG TURING NG COMELEC SA MGA MAHIHIRAP AT ‘DI SIKAT NA KANDIDATO SA PAGKA-SENADOR -- Nasa 70 senatorial candidates ang itinuturing ng Comelec na mga nuisance candidate kaya’t hindi nila papayagang kumandidato ang mga ito sa 2025 midterm election.
Ang 70 senatorial candidates na ito ay mga mahihirap lang at hindi mga sikat.
Ganyan ka-bad ang Comelec, kasi basta mahirap at hindi sikat ang apelyido, itinuturing nilang mga nuisance candidate, tsk!
Comentários