top of page
Search
BULGAR

Sa gitna ng El Niño.. 14 na bagyo, hahataw

ni Jeff Tumbado | May 4, 2023




Tinatayang nasa 10 hanggang 14 na bagyo ang tatama sa bansa sa pagitan ng mga buwan ng Mayo hanggang Oktubre sa panahon ng El Niño, ayon sa PAGASA kahapon.


Ang El Niño phenomenon ay namumuo sa pamamagitan ng abnormal na pag-init ng mga temperatura sa ibabaw ng dagat partikular sa gitna at silangang ekwador sa karagatang Pasipiko at ang pagbaba sa normal na pag-ulan.


Ayon kay Analisa Solis, hepe ng climate monitoring and prediction section ng PAGASA, bagamat mataas ang temperatura sa karagatan, maaari itong makabuo ng tropical cyclones o bagyo.


"Ito naman ay posibleng magpaigting o magpa-enhance ng ating habagat, hinahagod niya yung ating hangin kasama ang moisture na may pag-uulan," pahayag ni Solis.


Dagdag ni Solis, bagamat panahon ng El Niño, ay makakaranas pa rin ng mga pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at iba pang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila, Cordillera region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.


"Base sa forecast natin, from May to October, around 10 to 14 na bagyo ang maaaring pumasok sa ating bansa," wika ni Solis.


"Sabi nga natin, isang epekto ng El Niño is maraming ulan or above normal rainfall conditions. 'Yan ang forecast natin starting June, July, ay above normal rainfall conditions. Before and during El Nino, 'yun 'yung nangyayari," ani pa nito.


0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page