top of page
Search
BULGAR

Sa ginawa sa mga doktor... Naging emosyonal ako, pasensiya na – Roque

ni Lolet Abania | September 10, 2021



Humingi na ng paumanhin si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa naging reaksyon niya sa grupo ng mga doktor sa ginanap na isang pulong ng COVID-19 response task force ng gobyerno ngayong Biyernes.


Sa isang press briefing, inamin ni Roque na naging “emotional” siya matapos marinig ang proposal nina Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, at Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, na ipatupad ang isang two-week hard lockdown.


“Kinukumpirma ko po na tayo’y naging emosyonal at pasensiya naman po kayo at tao lamang,” ani Roque. “That’s the first time that I lost my bearing in an IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) meeting, but as I said I may apologize and I have in fact apologized for the manner but never for the message.”


Ayon kay Roque, hindi magagawa ng gobyerno na magkaroon ng hard lockdowns dahil kailangan pa rin ng mga kababayan na kumita ng kanilang ikabubuhay at magtrabaho.


Gayundin, wala namang tigil ang pamahalaan sa vaccination efforts nito para makapagbukas na muli ang ating ekonomiya nang ligtas.


Dagdag ni Roque, nakapagbitaw lamang siya ng mabibigat na salita at nagalit sa gitna nang nakikita niya ang mga indibidwal na nakararanas ng gutom at kahirapan dahil sa mga lockdowns.


“Nagalit po talaga ako dahil sa tingin ko panahon na po na marinig ang inyong boses ng IATF. Tama na po ang lockdown, magtatagal po talaga ang COVID hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig,” sabi ng kalihim.


Paliwanag pa ni Roque, kinakailangan na magkaroon ng balanse sa pagitan ng kalusugan at ekonomiya ng bansa.


Sa isang video na nai-post sa Twitter na naging viral, makikita si Roque habang pinapagalitan o scolding ang mga doktor sa isang meeting, kung saan sinasabi nitong ginagawa naman ng gobyerno ang kanilang tungkulin para labanan ang coronavirus.


“Do not sit there as if you are the only ones right. We’re trying to achieve total health. Who wants COVID to kill people? Are you saying that only medical frontliners are concerned about the health of the people? We all want to save lives,” pahayag ni Roque sa naturang video.


“We’re crying out loud. No one in the government wants a single life lost. No one! How dare you think that we are not considering steps to prevent the loss of lives?” dagdag pa ni Roque.


Sinabi pa ni Roque na ang IATF meetings ay dapat na maging “secret.”


Bago pa ang press briefing, sinabi naman ni Limpin na siya ay “sobrang nagulat” na galit na nag-react si Roque sa kanilang suhestiyon.


“Wala akong sinabi that can be interpreted as being arrogant,” ani Limpin sa isang interview.

0 comments

Коментари


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page