top of page
Search
BULGAR

Sa Enero 2022... Edad 5-11, target bakunahan kontra-COVID-19

ni Lolet Abania | November 29, 2021



Plano ng gobyerno na simulan na ang pagbabakuna kontra-COVID-19 ng mga batang edad 5 hanggang 11 sa Enero ng susunod na taon.


Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., agad nilang isasagawa ito kapag binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA), ang mga vaccines para gamitin ng mga bata, sa katapusan ng Disyembre.


“Ang plano namin once na lumabas ito, immediately, we will execute it. Ang plano namin is first quarter ng 2022 so January mag-start tayo. We want to finish that immediately sa first quarter,” sabi ni Galvez sa isang interview.


Sinabi rin ni Galvez na target naman ng pamahalaan na matapos ang pediatric vaccination sa unang quarter ng 2022 na sakto lang sa planong muling pagbubukas ng klase.


“So that ‘yung ating opening ng classes ay magsimula na at maprotektahan natin ‘yung ating children because of the Omicron. We don’t know yet the possibilities, ‘yung vulnerabilities ng mga children with this variant,” ani pa ni Galvez.


Sa ngayon, inumpisahan na ng gobyerno ang pagbabakuna ng mga minors na nasa edad 12 hanggang 17.


Una nang sinabi ng FDA na pinag-iisipan nila ang ibang formulation at ibaba ang dosage ng Pfizer vaccine para sa pagbabakuna ng mga batang edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.


Ayon naman kay FDA director general Dr. Eric Domingo, inaasahan ng ahensiya ang Pfizer na mag-a-apply ng isang emergency use authorization para sa pagbabakuna ng mga batang edad 5 hanggang 11 sa Disyembre.

0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page