ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | December 18, 2022
Si Joey de Leon, hindi naman daw na-in love pero love raw niya ang teacher niya sa Music na kilala raw namin kasi 'yun daw ang gumawa ng lyrics ng A Million Thanks To You named Alice Doria something.
Sorry, forgot ni yours truly ang apelyido. Insert smiley, ☺!
And Joey even added na dahil tuwang-tuwa sa kanya 'yung Music teacher niya, ipinangalan pa raw sa kanya 'yung isang anak nito.
Ang role nga pala nitong si Joey de Leon sa My Teacher ay estudyante at the age of 76 na.
Si Toni Gonzaga nga ang tumayo niyang teacher sa said MMFF entry ng production nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano with the help of Joed Serrano ng The Godfather Productions.
At para pampa-good vibes lang, tinanong uli ni yours truly si Joey de Leon without malice meant, in pernes, ng something like... "Joey, do you believe na it's not yet late to fall in love and make love at the age of 76?"
Ang sagot niya na ikinatawa uli ng lahat during the Q&A portion ay... "Make love? Wala na 'yun, holding-holding na lang," na puwedeng lagyan ng background music titled… ALL BY MYSELF, boom!
Wa' na 'ko sey! Insert smiley, ☺!
O, siya.... watch n'yo na lang ang My Teacher movie nila this coming December 25, 2022 na isa nga sa MMFF entries, okidoki?
'Yun lang and I thank you.
Comentarios