ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 17, 2021
Sharon movie-Instagram / reallysharoncuneta
Naglabas na ng mga body shot photos nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao na kuha sa pelikulang pinagsamahan nila, ang Revirginized.
Shocked ang mga fans sa ibinahaging larawan para sa promo ng movie dahil conservative ang maraming fans ng Megastar.
Si Sharon ay 55 years old na, samantalang 26 naman si Marco.
Sa larawan, makikita si Sharon na naka-red swimsuit at luwa ang cleavage habang dinidilaan nito ang dibdib ni Marco.
May ilang netizens ang nag-comment na kahit eksena lang 'yun sa movie, malaswa ang ginawa ni Mega para sa edad at status nito ngayon bilang isa nang icon at inirerespeto sa industriya.
"OMG I have NEVER done this in real life (I don’t drink tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha!)" ang caption ni Megastar sa naka-post nilang larawan ni Marco.
Komento naman ni Marco, "Can’t wait to see the whole film."
Sa Facebook page naman ni Darryl Yap, ang director ng movie kung saan siya ang nag-share ng body shot nina Sharon at Marco ay mababasa ang, "Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved."
Ang Revirginized ang unang project ng Megastar sa kanyang former mother studio, ang Viva Films, after 18 years.
Sa pelikula, Sharon plays a woman who discovers her awakening after many years of solitude.
Comments