top of page
Search

Sa edad na 39... HEART, AMINADONG TUMATANDA NA, PIKON NA PIKON

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 7, 2024



 

Tinuldukan agad ng mag-asawang Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista ang balitang na-stroke ang senador at kasalukuyang nasa ospital.


Sa live update ni Heart sa Instagram last Friday night ay makikita ang mag-asawa na nasa bahay at masiglang nagpapagupit ng buhok habang kumakain si Sen. Chiz.


Sa simula ng video ay makikitang nagpe-painting ang Kapuso Queen of Creative Collaborations habang ikinukuwento niyang malabo na raw ang kanyang mata.


“I came from the doctor yesterday and it’s official, I’m growing old. My eyes are starting to just. . .” simula ni Heart.


“When you turn like I’m 39, so. . . they said automatic na raw ‘yun when you’re almost 40. Your eyes aren’t as perfect as it was. Nakakapikon,” patuloy niya.


Pagkatapos nito ay inikot ni Heart ang camera at makikita si Sen. Chiz na ginugupitan ng kanyang hair dresser.


“Say ‘hi’ Babe,” sey niya sa mister na kumaway naman sa camera.


“How’re you doing? Ano’ng kinakain mo?” tanong pa ni Heart sa hubby.


Sagot naman ni Sen. Chiz, “Mini-pizza,” sabay-tawa.


Bagama’t hindi in-address ng mag-asawa ang ‘stroke issue’ nang direkta, ipinakita naman nilang ‘fake news’ ang tsika.


May video na ipinost ang fashion icon sa kanyang Instagram Story, na ipinapakita na niya ang finished product ng painting. Makikita rin si Sen. Chiz na tapos nang magpagupit at nilalaro na ang kanilang alagang aso. Pakanta-kanta pa nga ang pulitiko at sa aura niya’y walang kasenya-senyales na galing sa stroke.


Kumalat ang balitang na-stroke si Sen. Chiz last Thursday, na nagsimula sa isang blind item sa Facebook ng username na Maharlika.


Ayon sa nasabing vlogger, may isang male senator from Sorsogon ang naospital dahil na-stroke, inatake sa puso at nagka-aneurysm. Ang kuwento pa niya, in-airlift ang pulitiko mula sa Sorsogon papunta sa St. Luke’s Medical Center sa BGC.


Sa ngayon, ay hindi na namin makita ang post na ito ng nasabing vlogger.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page