ni Julie Bonifacio @Winner | June 2, 2024
Ibinahagi ng ina ni Kathryn Bernardo na si Luzviminda Bernardo or Mommy Min ang kaganapan pag-uwi nila sa bahay ng kanyang anak pagkatapos tumanggap ng award sa FAMAS bilang Best Actress.
Mapapanood sa video na ipinost ni Mommy Min sa Instagram ang pagpasok nila ni Kathryn sa kanilang bahay.
Hawak ang kanyang FAMAS trophy ay sinalubong siya ng kanyang ama na si Teodore Bernardo na may tangang pumpon ng red roses at kalakip ng video sa post ni Mommy Min ang mga photos ng kanyang mag-ama habang nakaupo sa malawak na hagdan sa mala-mansiyong bahay nila. Nandu'n dim ang isang lumang picture ni Kathryn kasama ang kanyang parents.
Caption ni Mommy Min, “One day you said ‘Mama, Papa, gusto ko mag-artista.’ Wala naman sa family natin ang artista pero bata ka pa lang, alam mo na ang gusto mong gawin. And now here we are, reflecting through your journey. I can say na sobrang proud kami sa ‘yo, anak!
“Remembering how you faced every struggle and challenge na napagdaanan mo/natin as family. Watching you overcome everything and grow into an amazing person you are has been one of our greatest blessings. I never knew how strong you are until I saw your determination and how you bounce back every after fall. You remained positive and kind to the world no matter what.
“If you have a dream, never let go of it, don’t give up till the end. Make yourself your own competition. Always keep that spirit that brought you this far! Andito lang kami para sa ‘yo. You have earned every bit of this success!!”
Nag-react ang mga netizens sa emosyonal na post ni Mommy Min.
Mula sa direktor na si Mae Cruz, “What a sweet moment! Congratulations to Kath and of course to you too, Mama Min!”
Naiyak naman ang ibang mga netizens sa post ng ina ni Kathryn.
“Nakakaiyak tita! Congratulations to Kath and the whole family.”
“What a story! Congratulations on a win!!”
Comentarios