ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 21, 2024
Photo: Cesar Montano, Sunshine Cruz at Atong - IG
Marami naman ang humanga sa ibinigay na reaksyon ni Cesar Montano patungkol sa ginawang admission ni Atong Ang sa relasyon nito kay Sunshine Cruz.
Bilang ex-husband ni Shine at tatay ng mga daughters nila, humanga raw si Cesar sa naging deklarasyon ni Atong. Basta kung masaya raw si Shine at masaya ang mga anak nila, masaya na rin siya.
For the very first time nga naman kasi since magkaroon ng involvement ang kontorbersiyal na negosyante sa mga magagandang artista at celebrities, first time ngang marinig o mabalitaan ng mga tao na may inamin si Atong na kanyang karelasyon.
Hindi na namin babanggitin pa ang ilang mga kilalang artistang na-link sa kanya pero ang pinaka-kontrobersyal nga ay si Gretchen Barretto, for na tila dedma lang sa lumabas na tsikang masaya na si atong with Sunshine Cruz.
Tsugi ‘pag nilangaw… MMFF ENTRIES NA WALANG BIG STARS, KONTI LANG ANG SINEHAN
“Hindi talaga magiging equal at all. Sana noon pa ‘yan pinag-aralang mabuti ng MMFF (Metro Manila Film Festival) Committee at MMDA handling the MMFF,” sigaw ng mga netizens na nag-re-react sa hindi nga parehas na distribution ng mga sinehan among the ten (10) entries.
Naging very obvious daw kasi na may mga film entries na napaboran sa pagkakaroon ng maraming sinehan at magagandang locations.
At dahil nationwide ang showing ng lahat ng MMFF entries, may possibility raw talagang ‘yung ilang entries na walang box-office stars ay hindi mapanood sa ilang lugar. That’s the fact and that’s part of the business ika nga nila.
Kaya raw po asahan na natin ang pagkakaroon ng hati-hating screening time ng mga movies sa mga locations or malls na merong dalawa o iilang sinehan lang.
But then again, huwag naman daw maging sobrang swapang ang mga theater owners and distributors na kapag fully booked halimbawa sa isang sinehan ang isang screening time ay ililigwak nila ang isang entry na less lang ang taong bumili ng ticket to accommodate same film na may mataas na demand?
Hay, naku! Sa totoo lang, never talaga itong magiging parehas at kawawa talaga ang mga entries na walang word of mouth, good or bad and yes, big stars na pang-hatak sa box-office.
Pagpapalabasan, kokonti lang…
ENRIQUE, KABADONG MATSUGI AGAD ANG MMFF MOVIE SA SINEHAN
Isa nga iyan sa mga naging worries ni Enrique Gil, ang co-producer at bida sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital (SF: TKH) entry.
“We don’t have quite good number of cinemas kaya sagad-sagaran ang promo namin. But we can only do much. Still nasa mga tao kung agad na papanoorin ‘yung entry namin,” sey ng guwapong bida.
As an actor, nagawa na raw ni Quen ‘yung dapat niyang ginawa but as a co-producer, siyempre iisipin din niya iyong naging investment niya.
“I really wanted this to succeed,” hirit pa nito na nag-anunsiyong may mga future film projects pa siyang gagawin in 2025, including na nga yung TV series na co-prod niya with ABS-CBN.
Nag-level up na ang maturity ng teen heartthrob dahil isa na nga rin siyang negosyante at nais magbigay trabaho sa iba.
“I’m happy naman. Balanse lang,” sagot nito sa simpleng tanong namin kung ano ang estado ng puso niya sa ngayon, lalo’t magpa-Pasko.
“Medyo malamig,... malamig, ang panahon,” ang natatawa nitong hirit sa ipinukol naming tanong kung kasama ba siya sa mga taong may malamig na pasko ngayon.
O ‘ayan ha, hindi malamig ang Pasko ng isang Enrique Gil.
تعليقات