ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 18, 2024
Photo: Sen. Imee Marcos at dating Sen. Ping Lacson - Kamuning Bakery Cafe
Dinagsa ang Kamuning Bakery ng writer-businessman na si Wilson Flores nu'ng Miyerkules dahil sa ginanap na World Pandesal Day kung saan namigay ng 100,000 pandesal sa mga tao at may mga reading glasses pang kasama.
Special guests din sina dating Sen. Ping Lacson at Sen. Imee Marcos na nakikiisa sa advocacy ni Wilson na makatulong sa mahihirap at mga nagugutom.
Maraming celebrities ang suki ng Kamuning Bakery tulad nina Marian Rivera and Dingdong Dantes, Julia Barretto, Jose Mari Chan, Karylle, Ian Veneracion at marami pang iba, pero buti na lang din at walang artistang dumating dahil baka mas nagkagulo ang mga tao.
Sa Q&A portion bago nag-distribute ng free pandesal na pinangunahan din nina Sen. Ping at Sen. Imee, naitanong ng isang reporter kung sa tingin daw ba ng ate ni Pangulong Bongbong Marcos ay nao-overpower ng mga advisers niya si PBBM kesa makinig ang pangulo sa mga totoong nagmamahal at nagmamalasakit dito tulad niya?
Pahayag ni Sen. Imee, “Lagi nating sinasabi na napakabait ng kapatid ko, pero palibhasa mabait, ‘wag naman pinagsasamantalahan.”
At sa tanong uli kung nabibigyan pa ba niya ito ng payo, sagot ng senadora, “Siyempre, nag-e-effort naman tayo, pero bisi-busy-han na ngayon at lagi kaming nagkikita, maraming-maraming tao, kaya kung minsan, nasasabihan ko, pero kung minsan, mahirap, eh, kasi ang dami nang nakapaligid.”
‘Yun lang!
Basta ang tiniyak naman ni Sen. Imee, sa kabila ng mga bashers ng kanilang pamilya, tuloy lang siya sa kanyang trabaho at paglilingkod at dedma na lang sa mga bashers.
Anak na si Bryan lang ang nanood…
SEN. GRACE, NO SHOW SA PREMIERE NG MOVIE NI LOVI
Photo: Lovi Poe / Instagram
TUWANG-TUWA at halos mapaiyak si Lovi Poe sa ginanap na premiere night ng kanyang latest movie na Guilty Pleasure kung saan co-produced ito ng kanyang C'est Lovi Productions with Regal Entertainment.
Puro positive feedback kasi ang natanggap ni Lovi mula sa mga nakapanood ng movie. Halos lahat ay nagsasabing magkaka-Best Actress award siya sa GP dahil sa kakaibang acting na ipinakita niya rito.
Kahit nga ang mommy ni Lovi ay dumating sa premiere night last Wednesday para suportahan siya. Hindi lang namin nakita si Sen. Grace Poe na laging nakasuporta sa mga projects ni Lovi pero dumating naman ang anak ng senadora na si Bryan Llamanzares para sa kanyang tita.
Nasa abroad pala ngayon si Sen. Grace kaya pagbalik nito, saka na lang daw ipapapanood ni Lovi ang Guilty Pleasure sa kanyang Ate.
Ang ganda-ganda ng movie, ang daming sexy and daring scenes na tatatak sa manonood, lalo na ‘yung eksenang dinilaan ni JM de Guzman si Lovi habang nagla-lovemaking sila at ‘yung reaction ni Lovi nang i-rape siya ni JM.
Marami rin ang tiyak na magpapantasya kina Jameson Blake na nagpakita ng hubo't hubad sa kama though back exposure lang naman. At ‘di rin nagpatalbog si JM na may butt exposure rin.
Kung sino ang may1 mas makinis na wetpaks sa dalawang leading men ni Lovi, watch n'yo ang Guilty Pleasure na showing na ngayon in cinemas nationwide.
Nu'ng hingin namin ang reaksiyon ni JM sa ginawa niyang pagdila sa katawan ni Lovi, nangingiting pahayag nito, hiyang-hiya raw siya sa aktres.
Hmmm, paano kaya kung kasama niyang nanood ang GF na si Donnalyn Bartolome that time, di lalo na siyang nadyahi, haha!
Congrats kay Direk Connie Macatuno, sa Regal Entertainment, C'est Lovi Productions at sa lahat ng bumubuo ng Guilty Pleasure.
Comments